Thursday , April 25 2024

‘Robust Economy’ ni PNoy walang epek sa nagugutom na Pinoys

00 Bulabugin JSY

KAHIT anong pagmamalaki ng administrasyon ni PNOY na gumaganda at lumalakas ang ekonomiya sa kanyang administrasyon, hindi ito mapaniwalaan at maramdaman ng ating mga kababayan lalo na ‘yung mga nabubuhay sa ilalim ng poverty line.

Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB), ang 25.2 percent ng populasyon ng bansa ay nabubuhay sa ilalim ng poverty line.

Ibig sabihin daw n’yan isa sa bawat apat na Pinoy ay namumuhay sa paghihikahos.

Paano sasabihin ng gobyerno ni PNOY na tayo ngayon ay may ROBUST (malusog at  malakas) economy kung mayroong nagugutom at napakalaki ng agwat  ng mahihirap at mayayaman?

‘Yan ang malungkot na katotohanan sa ating bansa.

Ang isang mahirap dito sa Philippines my Philippines ay namamatay na mahirap dahil napakaliit ng oportunidad para umangat ang kanilang buhay.

Anong oportunidad ang ibibigay ng isang programang gaya ng 4ps na walang ginawa kundi pagmukhaing timawa ang isang pamilya sa kanyang komunidad.

Alam natin na ang 4ps ay isang programang maihahalintulad sa isang PISI. ‘Yun bang pag-asang gaya sa ‘gahiblang sinulid’ na anytime ay pwedeng mapatid.

Kapag sinuma ang inilalaan ng gobyerno sa kanilang DOLE-OUT SYSTEM na mga programa, alam nating umaabot din ng BILYON-BILYON ang kwentada.

Pero ang tanong, may IMPACT ba sa kabuhayan ng mahihirap na Pinoy?

Sana lang ay makaisip ng mas masustansiyang programang pangkabuhayan ang mga HENYO boys ni PNOY.

Dahil kung hindi, wala rin siyang ipinagkaiba sa mga naunang Presidente na ‘di hamak na mas magagaling sa kanya.

ANOTHER ONE BITE THE DUST

MUKHANg ganito lang talaga ang buhay ng mga mamamahayag sa bansa. Kumbaga, kapag natiyempohan ka, ISANG BALA ka lang.

Hirap na hirap ang gobyerno lalo na ang mga law enforcement agencies na bigyan ng proteksiyon ang mga mamamahayag sa ating bansa.

Bakit kaya?!

Sa loob ng dalawang linggo, tatlong mamamahayag sa radio ang pinaslang sa Mindanao.

Hindi pa nga natatapos ang imbestigasyon sa pagpaslang kay Joshua Dignos, pinaslang sa Davao del Norte, e sinundan agad ng pagpatay kay Michael Milo sa Tandag, Surigao del Sur.

At ngayon nga ay si TATA ESTRADA BUTALID naman sa Tagum City Davao.

Tsk tsk tsk …

PNoy, it’s murderously serious!

MAMAYAGPAG PA KAYA ANG K-ONE KTV CLUB?

SINIBAK na pala si Manila Police District (MPD) station 11 chief, P/Supt. Doromal.

Ang sikat na BAGMAN ng ONSE na si alias BONG KRUS nasibak rin kaya?

E paano na ang K-ONE KTV CLUB diyan sa Sto. Cristo, Binondo?

Makapagpatuloy pa kaya ng operasyon ng prostitution (China girl) o mawala na ang mga umoorbit sa kanila?!

O tuluyan nang maiparasa ngayon?!

Ngayon wala na raw si Doromal, e baka manahinik na ‘yang K-ONE KTV CLUB sa sex trafficking…

O panibagong timbre at intelihensiya lang para sa bagong hepe ng Onse!?

Let’s wait and see!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder

Pabalik-balik na frozen shoulder inabsuwelto ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Una, magandang …

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome huli paghawak sa tuhod ni Krissha 

I-FLEXni Jun Nardo HALATANG malapit sa isa’t isa sina Jerome Ponce at  Krissha Viaje dahil sa mediacon ng coming Viva …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

ABS-CBN AllTV

Kapamilya muling nagpapalaki ng imahe, nakahanap ng kakampi sa AllTV

HATAWANni Ed de Leon NAPANSIN ba ninyo iyong bagong station ID ng Kapamilya channel? Bale …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *