Friday , October 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Phoemela, pinagtatakpan si Anne?

Phoemela, pinagtatakpan si Anne?

PINAGTATAKPAN nga ba ni Phoemela Baranda si Anne Curtis?

Ito ang reaksiyon ng iba sa social media. Kasama siya sa sa insidente ng panananampal sa grupo nila ni Anne. Kabilang nga sa nakatikim ng sampal ay si John Lloyd Cruz.

Matatandaang naging talk of the town nga ang pagwawala ng aktres sa isang birthday event ng isang common friend nila at sa sobrang kalasingan ay nawala raw sa sarili ang aktres.

Sa kanyang interview sa TV Patrol, sinabi ni Phoemela na bagaman nasaktan siya sa mga sinabi ng TV host/actress napatawad na niya ito dahil mabilis naman silang nagkaayos. Wala rin daw siya sa posisyon na ikuwento ang buong kaganapan. Naniniwala rin daw siya na eksaherada na ang ibang bersiyon na lumabas.

Vice, todo ang pagtatanggol kay Anne

TODO naman ang pagtatanggol ni Vice Ganda sa kaibigang si Anne Curtis. Ang importante aniya ay na-realize ng kaibigan ang pagkakamali at kaagad itong nag-public apology at humingi ng tawad sa mga taong nasangkot.

Hindi naman daw makatarungan na husgahan agad ang kaibigan dahil lamang sa insidenteng nangyari.

Mildred A. Bacud

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top