Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Phil at KC, may malalim nang namamagitan?!

Phil at KC, may malalim nang namamagitan?!

PINABULAANAN ni Phil Younghusband na may malalim na namamagitan sa kanila ni KC Concepcion after na mag-react ang dati niyang kasintahang si Angel Locsin.

Sa Twitter Account ni Phil ay sinabi niya na hindi totoo ang tsismis na nagdi-date sila ni KC. Isang beses lang daw niya na-meet si KC at kasama pa niya si Angel that time.

‘Yun na!

Vice, Mercedes Benz ang regalo sa sarili

BONGGA si Vice Ganda dahil Mercedes Benz ang regalo raw niya sa sarili ngayong Kapaskuhan?

Ang tanong kung ano naman ang gift ni Vice sa rumored basketeer na bf niya?

Ha!ha!ha!

Anyway may filmfest entry si Vice sa Dec 25. Ito ‘yung Girl, Boy , Bakla, Tomboy na  hinuhulaang mangunguna sa takilya. Kasama sa pelikula sina Maricel Soriano,Joey Marquez, Ruffa Gutierrez, at Cristine Reyes.

Drew at Iya, ikakasal na sa Enero

SUBOK namang matibay ang relasyon nina Drew Arellano at Iya Villania.

Balitang magpapakasal na ang dalawa sa January after ng almost 10 years nilang relasyon.

Congrats!

Mabuting tao si Anne  — Kuya Kim

NAGTAWANAN ang press nang tanungin si Kuya Kim Atienza kung kumusta ang sex life niya dahil sabi niya ay nagpapagana rin ng sex life ang ini-endorse niyang Atienza Naturale, ang herbal dietary supplement na gawa sa malunggay.

Sabi naman niya, effective ito at masayang-masaya ang sex life niya. Hindi lang okey ito sa sakit niyang Guillain Barre Syndrome.

Tinanong din kung puwede rin pampatanggal ito  sa mga taong nalalasing.

“Puwede. Ang pampatanggal ng lasing ay tubig. ‘Pag hinaluan mo ng malunggay, ginawa mong tea, may vitamin C ka pa,” sey ni Kuya Kim.

Nagtawanan na lang nang biruin si Kuya Kim na binigyan niya si Anne ng malunggay para mawala ang lasing niya.

“Sabi ko nga ba tatanungin, eh,” nakangiting sabi ni Kuya Kim.

“Malunggay ang pinag-uuusapan natin,” hirit pa niya.

“Since, pinag-uusapan na rin si Anne, mabait siyang  tao. Si Anne talaga ay taong-tao. Alam ko na kapag may free time, pumupunta siya sa mga ospital at bumibisita sa mga bata na may sakit. Walang may alam. Nalaman ko lang dahil ‘yung isang binibisita niya, ni-request si Kuya Kim dahil fan siya ng ‘[Matang Lawin’. Pumunta ako .I found out that Anne was in that hospital four times a week, hanggang mamatay ‘yung bata.Ganoon siya kabait,” share niya sa press.

Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top