Thursday , October 9 2025

P740-M utang sa tax ni Pacman sa US-IRS

IBINUNYAG ng celebrity news website na TMZ, kailangang bayaran ni eight division world champion Manny Pacquiao ang $18.31 million o nasa mahigit P740 million na pagkakautang niya sa buwis sa Amerika.

Lumalabas sa Internal Revenue Service (IRS) ng Estados Unidos, hindi nagbayad ng buwis si Pacman sa kanyang mga laban mula taon 2006 hanggang 2010.

Kung maaalala, tatlong beses lumaban si Pacman noong 2008 at 2009 kabilang na rito ang kina Oscar De La Hoya, Miguel Cotto at Ricky Hatton na kumita ng $15 hanggang $30 million.

US TAX CASE NI PACMAN  SANA TSISMIS LANG — BIR

UMAASA ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na tisimis lamang at hindi totoo ang napaulat na panibagong iskandalo na kinasasangkutan ni Manny Pacquiao sa Amerika kaugnay sa problema sa hindi pagbabayad ng buwis.

Sinabi ni BIR Commissioner Kim Henares, itinuturing pa lamang nilang rumor o tsimis ang lumabas na report na aabot sa $18.31 million o nasa mahigit P740 million  ang pagkakautang sa buwis ni Pacman sa Internal Revenue Service (IRS) ng Estados Unidos.

Ayon kay Henares, hindi nila alam ito dahil hindi naman sila nag-request.

Ang makapagpapatunay o makapaglilinaw lamang aniya nito o ay ang IRS mismo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Joey Salceda

Salceda sa Bangkok Climate Talks delegates: Nahigitan pa ng  Pilipinas ang pangako nitong lumipat sa “Renewable Energy”      

IPINAGKAPURING ipinahayag ni dating Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda sa mga delegado sa ‘High …

PSC Elite Link

PSC at Elite Link, inilunsad ang Digital Platform para Suportahan ang mga Atletang Pilipino, Simula sa Batang Pinoy

INILUNSAD ng Philippine Sports Commission (PSC), katuwang ang Elite Link, Inc., ang Elite Link—isang makabagong …

SM Super Spelling Bee 2025

SM Super Spelling Bee 2025: Young Word Wizards Shine at the Grand Finals

AFTER months of grueling eliminations held across the country, the nation’s most talented young spellers …

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag - Gabu residents

Dapat may managot sa palpak na P47-M flood control project sa Laoag – Gabu residents

LAOAG CITY- Nagdulot ng matinding pagkadesmaya at tanong sa publiko ang biglaang pagguho ng bagong …

bagyo

Meralco nakatutok sa epekto ng bagyong Paolo

NAKAANTABAY at handa ang pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na magresponde kapag nagkaaberya sa …