Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marian, na-shock nang malamang ikakasal na si Karylle kay Yael

Marian, na-shock nang malamang ikakasal na si Karylle kay Yael

KINUNAN ng reaction si Marian Rivera ukol sa pagpapakasal ni Karylle sa kasintahan nitong si Yael Yuson sa Marso.

“Ha? Talaga? Eh, ‘di maganda. Congratulations!” saad nang na-shock na aktres dahil noon din niya lang nalaman ang balita. Tumawa na lang ito nang may mga intriga nang tanong na kasunod sa nasabing balita na sinabi sa kanya.

Hindi man pinalad si Marian na makuha ang parangal sa dinaluhan niyang Asian TV Awards, eh nagpasalamat pa rin ito.

“Ang sarap naman kasi ng experience na makahalubilo mo ang mga bituin mula sa iba’t ibang Asian countries, ‘yung maging nominado eh, isang malaking bagay. Natuwa ako lalo noong sabihin na ako pala ang pinakabatang na-nominate for the Best Actress category!”

Tinanggihan muna raw niya ang pagsalang sa comedy next year dahil heavy drama ang una niyang magiging proyekto sa Year of the Wood Horse.

Aga, bibigyan ng milyones ang mga OFW

KUNG pwede nga lang na gabi-gabing may makakuha ng limang milyon sa Let’s Ask Pilipinas, ‘yun daw ang makakapagpasayang lalo sa aktor na host nito na si Aga Muhlach.

For this week, mula December 10-17, 2013, mga Kapatid na OFW ang matutunghayang maglalaro sa Twelve Days of Christmas series nila.

Nasa studio ang pamilya ng bawat OFW at binuksan ang communication lines para makita at makausap na rin ang kanilang mga mahal sa buhay.

Kaya naman, marami sa kanila na galing pa sa malalayong lugar ng Aklan, Bukidnon, pati na Tuguegarao ang inilipad pa mula sa kanilang mga tahanan para sa nasabing episodes.

Mata-touch nga tayo sa mga pagkikita ng kanilang mga pamilya at sa mga kalahok nating OFWs from all around the world.

Ang gusto pa rin ni Aga, bago siya lumipad pa-Las Vegas, Nevada, USA ay to spend Christmas with his family at maipamigay na ang mga milyones para sa mga Let’s Ask Pilipinas! contestants.

“It’s Christmas! Mas masarap na mai-share ito sa ating mga kababayan! And make it their most memorable!”

Pilar Mateo

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top