Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Katya, magbabalik-Kapamilya matapos magsilang ng baby girl

Katya, magbabalik-Kapamilya matapos magsilang ng baby girl

NANABA nang husto si Katya Santos. Kaya naman pala ay kapapanganak lamang niya three months ago sa isang baby girl courtesy of her non-showbiz boyfriend.

Walang masyadong nakaalam pero hindi raw pinagsisisihan ng sexy actress ang pagkakaroon na ng anak. Fulffiled woman na nga raw ang pakiramdam niya ngayon at iba raw pala talaga ang joy na naibibigay ng isang anak sa isang babae.

Pero namahinga man ng halos isang taon balak pa rin ni Katya na bumalik sa showbiz. Wala na siya sa Viva at hindi na siya nag-renew ng contract na ang balita namin ay wala na raw kasing project ang naibibigay sa kanya.

Malamang na bumalik daw siya sa ABS-CBN na roon siya nagsimula. Bagamat may offer naman siya sa TV5 hindi pa rin niya isinasara ang kanyang pintuan lalo’t freelance na rin naman siya ngayon.
Mildred A. Bacud

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top