Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Holiday tiangge, bazaars hahabulin ng BIR

Holiday tiangge, bazaars hahabulin ng BIR

HAHABULIN na rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga tiangge na magtitinda ngayong holiday season.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares, kasama sa kanilang target ay ang Christmas night markets at bazaars.

Kaugnay nito, inatasan ng BIR ang revenue district officers nationwide na magsumite ng status report ukol sa mga kahalintulad na negosyo sa kanilang lugar.

Giit ng opisyal, ang nasabing mga negosyo ay kumikita nang malaki sa ganitong panahon kaya may pananagutan silang maningil ng kaukulang buwis sa mga ito.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top