Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Hog’s Breath hihingahan ang Jumbo Plastic

Hog’s Breath hihingahan ang Jumbo Plastic

PANGANGALAGAAN Ng Hog’s Breath Cafe ang pangunguna sa duwelo nila ng delikadong Jumbo Plastic sa 2013-14 PBA D-League Aspirants Cup mamayang 4pm sa Ynares Arena sa Pasig City.

Sa unang laro sa ganap na 12 ng tanghali ay magtutuos ang Big Chill at Cagayan Valley. Ito’y susundan ng salpukan ng Cafe France at Wang’s sa ganap na 2 pm.

Ang Hog’s Breath ang tanging koponang walang bahid ng pagkatalo ang record sa 7-0.

Subalit hindi nakaseseguro ang Razorbacks kontra sa Jumbo Plastic lalo’t nanggigigil ang Giants na makabawi buhat sa 82-78 pagkabigo sa Cagayan Valley noong Lunes.

Ang Hog’s Breath ay pinaumunuan ng mga Letran Knights na sina Kevin Racal, Jonathan Belorio, Ford Ruaya at Jamal Gabawan.           Ang Jumbo Plastic ay may 5-2 record at hawak ni coach Stevenson Tiu. Pangunahing manlalaro ng Jumbo Plastic sina Mark Romero, Eliot Tan, Jason Ballesteros at Jan Colina.

Nasa ikalawang puwesto ang Big Chill na may  7-1 record samanalang may 7-2 ang Cagayan Valley.

Ang Superchargers ay galing sa 80-73 panalo kontra Arellano University/Air21 noong Martes. Sa larong iyon ay nagbida si Brian Heruela na nakapagtala ng triple double (13 puntos, 10 rebounds at 10 assists).

Ang Cagayan Valley ni coach Alvin Pua ay naghahangad na makarating sa Top Two sa pagtatapos ng elims. Magagawa ito ng Rising Suns kung mawawalis nila ang natitirang apat na laro.

Kabilang sa inaasahan ni Pa sina John Puinto, Prince Caperal, Andrian Celada at Kenneth Ighalo.

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top