Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Hagdang Bato natalo dahil bumangga ang mukha sa depektibong starting gate

Hagdang Bato natalo dahil bumangga ang mukha sa depektibong starting gate

NAKAUSAP natin si Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos, Jr tungkol sa nangyari sa kanyang super horse na si Hagdang Bato sa pagkatalo nito sa nakaraang  41st PCSO Presidential Gold Cup sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Galit  na Ikinuwento sa akin kung paano natalo ang kanyang kabayo si Hagdang Bato.

Dumalo si Mayor Abalos sa imbestigasyon na ginawa ng pumuaan ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Nagdala ng larawan at video si Mayor Abalos na ipinakita sa imbestigasyon kung paano natalo ang kanyang super horse sa isang pinakamalaking pakarera dito sa ating bansa.

Sa video ay nakita na bumangga ang mukha ni Hagdang Bato pagbukas ng starting gate at nagsara muli ang isang side kung kaya napaluhod sa lupa ang super horse. Nakabawi lang ito  at tumayo pero nakalayo  na sa unahan ang kanyang mga kalaban.

Ayon pa kay Mayor Abalos, hindi na niya hahabulin pa ang malaking premyo at gusto lang niya na MALAMAN ng Bayang Karerista ang tunay na nangyari sa kanyang kabayo.

Isang taong pag-aalaga kay Hagdang Bato ang ginawa ng connection ni Mayor Abalos para sa malaking karerang ito.

Ang pinagtataka pa ni Mayor Abalos ay kung bakit ang LUMANG STARTING GATE ang ginamit sa malaking karerang iyon.  May intensiyon ba ang mga nangangasiwa ng Manila Jockey Club o ang San Lazaro Leisure Park na matalo talaga si Hagdang Bato?

Panahon na siguro para palitan ang mga dipektibong starting gate ng tatlong karerahan dito sa ating bansa upang hindi na muling mangyari sa ibang kabayo o hinete ang ganitong insidente.

Sabi pa ni Mayor Abalos na  sana ay magkaroon ng magandang resulta ang ginagawang imbestigasyon upang malaman kung sino talaga ang may kasalanan.

“Kung ganito nang ganito ang mangyayari sa malalaking pakarera dito sa ating bansa,  tiyak na babagsak ang Horse Racing Industry,” dagdag pa ni Mayor Abalos.

Panahon na siguro para  mapasailalim ang mga Board of Stewards ng tatlong karerahan sa Philippine Racing Commission (Philracom) upang maging maayos ang takbo ng karera dito sa ating bansa.

SANA AY HUWAG NANG MAULIT ANG NANGYARI KAY SUPER HORSE HAGDANG BATO!

ni FREDDIE M.

MAÑALAC

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top