Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / News / ERC gigisahin ng Senado sa power rate hike

ERC gigisahin ng Senado sa power rate hike

GIGISAHIN ng mga senador ang Energy Regulatory Commission (ERC)  sa pagdinig sa Disyembre 18, ng Senate Committee on Energy na pangu-ngunahan ng Chairman na si Senador Serge Osmena kaugnay ng pagtaas ng singil ng kor-yente ng Manila Electric Company (MERALCO) ngayon buwan matapos aprobahan ng ERC.

Ayon kay Senador Francis “Chiz” Escudero, marami si-yang nakatakdang itanong sa ERC sa ginawa nitong pag-apruba sa power rate hike na P4.16 per kwh at hahatiin sa tatlo upang hindi mahirapan ang consumers.

“Para sa akin kung magkakaroon ng schedule ang Senado, ang dapat na unang imbitahin ay ang ERC, pangalawa ang government agencies tulad ng DoE, yung Meralco o yung distribution utility at yung mga planta na nagme-maintenance check ngayon, upang malaman natin kung bakit hindi ito napaghandaan ng DoE ” ani Escudero.

Nais din itanong ni Escudero sa ERC kung ganoon din ba kabilis gumalaw ang mga opisyal nito o magdesisyon kapag ang usapin ay pagbaba ng singil sa koryente dahil sa mabilis aniyang magdesisyon kung ang kahilingan ng mga power distribution company ay pagtataas ng singil at ang pag-refund sa sobrang singil sa mga consumer.

Nagtataka rin ang senador kung bakit pinayagan na singilin nang mataas ang consumers samantalang maaari namang ang gawin ng ERC ay ibawas na lamang ito sa mga hindi pa naibabalik na sobrang singil sa koryente sa mga consumer. (CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top