Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Daniel, matindi ang popularidad (Novelty items na may pirma at pictures, ibinebenta sa bookstore at Christmas bazaar!)

Daniel, matindi ang popularidad (Novelty items na may pirma at pictures, ibinebenta sa bookstore at Christmas bazaar!)

NGAYON naniniwala kaming matindi nga ang popularidad ni Daniel Padilla. Una naming napansin iyong mga novelty item na may pictures at pirma niya na ipinagbibili sa isang bookstore chain. Mayroon iyong sariling section, at palagay namin hindi naman bibigyan ng ganoong importansiya iyon ng bookstore kung hindi malakas ang benta.

Noon namang isang linggo, nakakita kami ng isang booth sa isang Christmas bazaar na may mga ganoon ding items na for sale. Walang ibang tinda ang nasabing booth kundi ang mga novelty items ni Daniel. After a week noong mabalikan namin, ganoon pa rin. Ibig sabihin niyon malakas siguro talaga ang benta nila dahil kung hindi, hindi naman tatagal iyon lalo na’t kung iisipin kung gaano kalaki ang bayad sa mga puwestong ganoon.

Hanggang ngayon top rater pa rin ang kanyang serye sa TV, at totoong laos sa kanya ang mga kasabayan niyang show. Kung iisipin mo iyang si Daniel ang dapat na prime time king, hindi iyong kung sino-sino lang diyan na balibag naman ang ratings at mga pelikula.

Phil, in-love pa rin daw kay Angel

HINDI natin maikakaila, marami na naman ang kinilig noong sabihin ni Phil Younghusband na hanggang ngayon ay in love pa rin siya kay Angel Locsin.

Noong isang araw lang, iyong mga teenager na naka-istambay doon sa may simbahan, iyan ang pinag-uusapan at halata mong kinikilig sila. Minsan magtataka ka. Hindi naman magka-love team sa pelikula o TV show sina Angel at Phil, pero kinikilig sila. Kasi sa tingin nila bagay talaga ang dalawa. Marami na rin namang naging boyfriend si Angel in the past, pero hindi namin nakita ang ganyang reaksiyon ng masa hanggang sa noong maging boyfriend nga lang niya si Phil. Para bang gustong-gusto ng kanilang fans na magkatuluyan sila.

May mga nagsasabi naman na hindi nga raw iyon nakatutulong sa kanilang career, kasi nga hindi naman sila isang love team, pero kung iisipin ninyo, lumawak ang audience ni Angel dahil kay Phil. Nakuha rin kasi niya ang mga football fan. Lumawak din naman ang mga tagahanga ni Phil, dahil nabaliw din sa kanya ang mga movie fan ni Angel.

Actually maganda ang epekto ng kanilang relasyon noon sa isa’t isa, sayang nga lang at nauwi sa split dahil nawalan sila ng panahon para sa kanilang relasyon.

Pero alam namin na deep inside siguro nga ay may pagmamahal pa sila sa isa’t isa. Hindi rin naman siguro natin masasabing hindi nga gusto ng kanilang fans na magkabalikan sila.

The fact na pareho nilang inamin na nasaktan sila sa split na napagkasunduan naman nila pareho, ibig sabihin lang niyon naroroon pa rin ang feelings nila sa isa’t isa. Bakit nga kaya hindi na lang sila mag-usap at magkasundong muli? Kung ano man ang naging problema, eh ‘di hanapan nila ng solusyon. Siguro kung ang schedule nga nila ang problema, eh ‘di magkasundo muna silang hindi magkikita, pero hindi naman dapat iyang umabot sa tuluyang split na.

Ed de Leon

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top