Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Blackout sa Viernes-trese ‘di pipigilan ng Palasyo

Blackout sa Viernes-trese ‘di pipigilan ng Palasyo

IGINAGALANG ng Palasyo ang ikinakasang blackout o malawakang pagpapatay ng mga ilaw bukas, Friday the 13th, bilang pagtutol sa bigtime power rate increase ng Manila Electric Company (Meralco).

Tugon ito ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma Jr. matapos ipahayag ni Kabataan Party-list Rep. Teri Redon na kasado na ang pagkilos bilang protesta ng taumbayan sa hindi na mapipigilan  pagtaas ng singil sa koryente.

Ayon kay Coloma, karapatan ng mamamayan ang ganitong mga pagkilos bilang bahagi ng malusog na demokrasya ng ating bansa.

“Bahagi po ng masiglang demokrasya iyong pagpapahayag ng mamamayan ng kanilang saloobin,” aniya pa

Nauna rito, binigyang katwiran ni Coloma ang P4.15 power rate hike ng Meralco dahil ito’y “market-driven”.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top