Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Announcer sa Tagum City itinumba (ALAM desmayado na )

Announcer sa Tagum City itinumba (ALAM desmayado na )

DAVAO CITY – Patay ang isang blocktime announcer matapos pagbabarilin sa Tagum City dakong 9 a.m. kahapon.

Kinilala ang biktimang si Rogelio Tata Butalid, 40, isa rin kagawad ng Brgy. Mangkilam, Tagum City, at blocktime announcer ng estasyong Radyo Natin Tagum.

Ayon kay Dennis Santos, OIC information officer ng Davao del Norte Electric Cooperative – National Electrification Administration (DANECO-NEA), kasama nila si Butalid at naunang bumaba mula sa himpilan.

Habang inaayos ni Santos ang tali ng kanyang sapatos bigla silang nakarinig ng putok ng baril hanggang nakita na lamang nilang nakabulagta ang biktima.

Sinasabing riding-in-tandem suspects ang bumaril sa announcer na agad tumakas matapos ang pamamaril.

Sa inisyal na impormasyon, sasakay na sana sa kanyang motorsiklo ang biktima nang barilin sa panulukan ng Roxas Extension at Sobrecarey Streets sa Tagum City.

Ayon kay Santos, ang kanilang tinatalakay sa kanilang blocktime program dakong umaga ay patungkol lamang sa operasyon ng DANECO-NEA.

Ang DANECO-NEA ay karibal ang DANECO-Cooperative Development Authority (DANECO-CDA).

Samantala, desmayadong kinondena ng Alab ng Mamamahayag (ALAB) ang isa na namang pamamaslang sa radio blcoktimer sa isang local radio station sa Tagum City.

Ikatlong mamamahayag na pinaslang sa loob ng dalawang linggo, ang pinakahuling biktima na kinilalang si Tata Estrada Butalid, brodkaster at barangay kagawad sa Mankilam, Tagum City, ay pinagbababaril ng mga hindi nakilalang armadong kalalakihan kahapon, dakong 10:10 ng umaga.

Nabatid na pauwi mula sa kanyang trabaho si Butalid nang tambangan ng mga suspek.

“Halos isang araw pa lamang ang nakaraan, heto na naman ang isa pang journalist na pinatay nang walang kalaban-laban,” desmayadong pahayag ni Yap.

“Ipinagtatanggol namin ang katotohanan, pero sino naman ang magtatanggol sa amin? Death toll lang ba pinag-uusapan natin ngayon?

“Kailan magkakaroon ng realisasyon ang gobyerno na mayroong nagaganap na pamamaslang sa mga mamamahayag?

“Kailan magiging seryoso ang gobyerno para harapin at resolbahin ang walang habas na pamamaslang sa mga mamamahayag?” matiim na tanong ni Yap.

“This is murderously serious!”

Mukhang puro lip service lamang ang kaya ng gobyerno at hindi sila totoong seryoso sa pagresolba sa mga nagaganap na media killings.

“Kung talagang seryoso sila, bakit hindi nila patunayan?” hamon ni Yap.

“I- relieve nila sa posisyon ang mga chief of police sa mga lugar na may mga unresolved media killing cases.”

Sinabi rin ni Yap na kung ganyang inaamin na ng Philippine National Police (PNP) na kulang sila sa kakayahang humawak ng mga ganitong kaso, buwagin na lamang ang Task Force Usig at sa halip ay ibigay sa mga ahensyang may kakayahan sa malawakang imbestigasyon.

“Subukan natin ang NBI (National Bureau of Investigation). Baka mas magagaling sila,” dagdag ng dating president ng National Press Club (NPC).

“Kumuha na rin tayo ng isang czar tulad ni senador Ping Lacson na tututok sa imbestigasyon. Baka sakali … baka sakali lang naman, may maresolbang kaso kahit isa lang.”

Bago si Butalid, naunang pinaslang si Davao del Norte Press & Radio-TV  Club member Joash Dignos.

Si Dignos ay host ng blocktime radio program “Bombardeo” sa DXGT Radyo Abante 92.1 FM  sa Maramag, Bukidnon.

Kasunod nito ay si Michael Milo, national supervisor ng Prime Radio FM at managing editor ng Prime Balita Newspaper sa Tandag City, Surigao del Sur.

Si Milo ay pinagbabaril hanggang mapatay nitong Biyernes ng isang riding in tandem sa Purok Palmera, Barangay Mabua, Tandag City ng mga hindi pa nakikilang suspek. (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top