Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 4 patay, 14 sugatan sa gumewang na dump truck

4 patay, 14 sugatan sa gumewang na dump truck

Apat katao ang patay habang 14  pa ang malubhang nasugatan matapos banggain ng isang nag-overtake na dump truck ang pampasaherong jeep at isang motorsiklo, kahapon ng umaga sa Marikina City.

Kinilala ni Marikina City police chief S/Supt. Reynaldo Jagmis ang mga biktimang sina Rogelio Marasigan ng Woodpecker St., Sunridge Village, San Mateo, Rizal; Romualdo Ortiz, ng #9 Kiwi St., Sitio 6, Batasan Hills, Quezon City; Juanito Autida, 45-anyos ng  South Libis, Doña Pepeng, San Mateo, Rizal at isang hindi pa kilalang babae.

Nilalapatan ng lunas sa amang Rodriguez Medical Center sina Armando de Dios, 57; Justin May Sanchez; Cristeli Cayona, 13;  Roberto San Andres, 50;  Aotero Alburo, 22; Analyn Lacson, 2; Francis Bieles, 38; Katrina Liamson, 24; Cesar Nierves; Niño Santillan, 38; Felipe Casta, 66; at isang  Jay Masirag.

Arestado ang mga driver/suspek  na sina  Bobong Dumalagan, 33, ng Southville 8 Subdivision, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal, driver ng dump truck (RHD-837), at Jay Allapitan, 32, ng Pinatubo St., Malanday, San Mateo, Rizal, driver ng pampasaherong jeepney (PVK-936).

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 5:30 ng umaga sa  J.P. Rizal kanto ng Real St., Concepcion Uno. (MIKKO BAYLON/

ED MORENO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top