Saturday , April 20 2024

MWSS administrator Esquivel ipinasususpinde

UMAPELA ang grupo ng mga manggagawa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na resolbahin ang labing isang (11) graft cases na isinampa laban kay MWSS administrator Gerardo Esquivel, Jr.

Kasabay nito, hiniling ni MWSS Labor Association Napoleon Quinones kay Carpio-Morales na suspendihin si Esquivel at kapwa akusado habang isinagawa ang pagdinig ng paglabag sa Commission on Audit rules.

Kabilang sa mga kapwa akusado ni Esquivel ay sina MWSS Regulators Emmanuel Caparas at ang deputy na  si Vince Yambao na umano’y nagsabwatan sa pagkuha ng 47 consultants na binayaran ng P88 milyon.

Sina Esquivel, Caparas at at Yambao ay nakatanggap din ng P3 milyon allowances na maliwanag na paglabag sa Commission on Audit (COA) rules.

Ang nasabing consultants ay ginagamit ni Esquivel sa pag-atake laban sa water conscessionaires na Manila Water at Maynilad na ang isa sa kanila ay nagngangalang Atty. Gatmaitan.

Sa isinagawang panayam kay Quinones, may natanggap siyang mga ulat mula sa loob ng Ombudsman na may tumutulong sa kaso ni Esquivel na malapit kay Pangulong Noynoy Aquino.

Kaugnay nito, nagpahayag ng pangangamba si Quinones na posibleng magkaroon ng white wash ang kaso ni Esquivel  na nakahain sa Ombudsman dahil sa pressure ng nasabing graft body.

“We just want to call the attention of Ombudsman Conchita Carpio-Morales. She must look into those graft cases we filed in her office. She must look into those graft cases we filed in her office. She must likewise order the suspension of Esquivel and his-co-accused while they are being investigated. It is unfair to the Filipino people if these people remain in their posts when they are being probed for graft and corruption,” ani Quinones. (Mon Estabaya)

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *