Friday , October 2 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Misuari nakapuga na

Misuari nakapuga na

KINOMPIRMA ng spokesman ni Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari na nakaalis na ng bansa ang kanilang lider.

Sinabi ni Emmanuel Fontanilla, “nasa OIC (Organization of Islamic Conference) na po ‘yung ating mahal na propesor… Doon na po siya sa Guinea at nakikipag-usap na po.”

Ito ay sa kabila ng warrant of arrest na inisyu laban kay Misuari kaugnay sa kanyang pagkakasangkot sa Zamboanga City siege na ikinamatay ng mahigit 200 katao.

Walang pyansang inirekomenda para kay Misuari sa inihaing kaso laban sa kanya.

Inamin naman ng gobyerno nitong Lunes na kinansela na ang passport ni Misuari.     (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top