Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Isnaberong German binugbog sa Aklan

Isnaberong German binugbog sa Aklan

KALIBO, Aklan – Dahil sa pagiging isnabero, bugbog-sarado ang German national makaraang bugbugin ng lasing na lalaki sa Brgy. Caticlan, Malay, Aklan.

Ang biktimang isinugod sa Caticlan Baptist Hospital ay kinilalang si Heinz Warner Fickermann, 62, German national na nakapag-asawa ng Filipina sa naturang lugar.

Ayon kay PO2 Mondia ng Malay PNP Station, ang insidente ay naganap habang ang biktima at ang kanyang stepdaughter ay naglalakad sa naturang lugar.

Binati ng suspek ang biktima nang magkasalubong sila kalsada ngunit dahil lasing, iniwasan siya ng German national na ikinagalit ng lasing.

Habang naglalakad palayo sa lugar, hinabol ng suspek ang biktima at biglang pinalo ng kahoy at pinagsusuntok.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top