Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Hindi kagandahang komedyana tinanggihan ng bagets (Handa na ngang mag-give ng 5K! )

Hindi kagandahang komedyana tinanggihan ng bagets (Handa na ngang mag-give ng 5K! )

RECENTLY lang nangyari ang eksena na may  natipohang bagets sa set ng kanilang sitcom ang hindi kagandahang komedyana.

Sa pag-aakalang makukuha niya ang Papang ekstra naglambing siya sa kanyang bading na handler na kausapin para sumama sa kanyang condo. S’yempre, para magkaroon ng konting happiness (datung) na extra income na puwede niya rin panlalaki hayun binola-bola ni nasabing handler ang cute na bagets. Pero, nang sabihin na ang kanyang pakay na gusto siyang makasama ng among comedienne. Tawa nang tawa raw ang Papa na para bang diring-diri siya sa bidang komedyana sa ating blind item.

Kahit pa may datung na involve to the tune of 5K plus load, load sa cellphone na handang ibigay sa kanya ay mabilis na tinanggihan ni bagets ang offer, sabay sabing mas papatol pa siya sa bakla kaysa tinutukoy nating komedyana.

Well, siguro mas sanay lang si batang Papa na magpatikim sa mga baklang parlorista kaya hindi niya type na pumatol kay comedienne na infairness kahit na hindi beauty ay sexy naman at talagang mabenta ang pagpapatawa.

Dating talent ng Kapuso network si komedyana at produkto siya ng isang Reality Search.

Bahala na kayong humula gyud!

DIREK FRASCO MORTIZ, GOOD JOB SA PAGPAG MOVIE

Ang “Pagpag” ni direk Frasco Mortiz ang kaisa-isang horror film, na kalahok sa 39th Metro Manila Film Festi- val. Very confident naman si direk Frasco na sa dami ng fans ng itinuturing na hottest love team ng industriya na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay tatangkilikin ang first attempt niya sa pagdi-direk ng ganitong tema ng pelikula. Yes, this time ay buong pelikula ang punong-puno ng katatakutan at malaking challenge talaga sa nasabing director na kilala sa comedy, gag at youth oriented TV show like Goin Bulilit and LUV U.

Actually, nang malaman ni direk Frasco na siya ang napili ng Star Cinema na mag-direk ng Pagpag ay sobrang na-excite siya na gawin ito lalo pa’t pinagkatiwalaan rin siya ng isa sa producer ng film na si mother Lily Monteverde na authority pagdating sa mga horror movie.

“Ito ang unang full-lenght horror film ko at ito ang unang pagkakataon na lalahok ako sa MMFF,” say ni direk.

Nakipag-collaborate si Direk Frasco sa screen-writer na si Joel Mercado sa Pagpag sa pagbuo ng istorya na naka-anchore sa mga sinaunang Pinoy beliefs and practice na konektado sa kamatayan at mga burol. “Marami na akong alam na mga kasabihan tungkol sa kamatayan at mga burol, lalo na ang pagpag. Naniniwala ako na wala namang masama kung susundin ko ang mga kasabihang ito, dahil galing ako sa isang pamilya na inirerespeto ang mga kasabihan ng matatanda. So d’yan iikot ang kuwento ng Pagpag na nagkita-kita ang lahat ng mga character sa isang burol na dahil sa pagsuway nila sa mga kasabihan ay binalikan at ginantihan sila ng mga multo. S’yempre, hindi pa rin mawawala ang kilig lalo pa’t d’yan kilala ang Kathniel. Masaya pala si direk Frasco at napupuri ng kanyang daddy Edgar Mortiz ang kanyang mga trabaho. Number one critic raw kasi niya ang amang artista at director kaya natutuwa siya kapag nagustohan nito ang kanyang trabaho. Ilan pala sa mga top-grossing films ni direk Frasco sa Star Cinema ay ang The Reunion, 24/7 In Love at ang Cinco na nag-direk siya ng isang episode. Kasama rin sa cast ng movie sina Shaina Magdayao, Paulo Avelino, Matet de Leon, Miles Ocampo, Dominic Roque, Michelle Vito etc.

Showing na ang Pagpag in cinemas nationwide on December 25. Vibes namin pupuwesto sa Top 3 ang pelikulang ito gyud!

EAT BULAGA NUMBER ONE PA RIN SA MEGA MANILA RATINGS

Hanggang ngayon ay buong-buo, pa rin talaga ang suporta na ibinibigay ng televiewers mula Apari hanggang Jolo sa Eat Bulaga. Yes, lahat ng segment ng show tulad ng Juan For All, All For Juan, Pamilyang Pinoy Henyo, Junior Pinoy Henyo, Ang Joke Ko at ang mga bagong segment na That’s My Tambay at Trip na Trip ay feel na feel ng lahat ng mga manonood. Kaya naman nanatiling matibay at matatag ang nasabing longest-running noontime variety show lalo na’t consistent nga sila sa kanilang mataas na ratings. Last Saturday ay umabot sa 19.6% ang nakuha nilang rating at 12.7% naman para sa katapat nilang It’s Showtime. Siyempre isa sa sobrang kinagigiliwan ng fans sa Bulaga ay si Aleng Maliit Ryzza Mae Dizon na idolo ng hindi lang mga kapwa bata kundi ng nakararami. Ang edge pa ng programa ay marami silang mga natutulungan araw-araw na sagot sa mga problemang financial ng mga kababayan nating pare-parehong kapos sa buhay.

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top