Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sexy pictures ni Heart, sa CR daw ilalagay ni Sen. Chiz

Sexy pictures ni Heart, sa CR daw ilalagay ni Sen. Chiz

MUKHA ngang hawak ni Heart Evangelista ang license to thrill the night she was launched as newest endorser at calendar girl for 2014 ng isang alak!

Ang tanong munang papasok sa utak mo eh kung nagustuhan kaya ito ng mga overprotective niyang mga magulang.

Na sinagot naman niya after ng kanyang rampa sa entablado na naka-off shoulder gown na hindi niya na kinailangan pang hingin ang kanilang abiso dahil she’s of age na nga, trying to live her own life by making and doing her own decisions.

Eh, ang isa pang talagang hihingan niya ng permiso na fiance niya na si Senator Chiz (Escudero)?

“Hindi naman kinailangan. But I told him about it. Ang sabi niya lang as long as I am comfortable with it, at gusto ko namang gawin, go ahead. When it comes to our work we support each other. Yes, he saw na the calendars. I gave him na his calendars. Ewan ko. Sabi niya he’ll put them daw in his banyo. At naka-save na sa phone niya.”

Hudyat na raw ba ito ng pagsusuot niya ng mga seksing two-piece na ang sasalangan na niyang roles are more daring and bolder?

“It doesn’t follow. It all depends pa rin on the projects I will do. It’s a nice feeling lang na I did this now. It’s so liberating! I never really looked at myself in this light. I am really a shy person. Kaya I was so flattered to be chosen to be the new calendar girl. And I loved the concept. It was a very good collaboration with my team. Kaya I felt so good about myself and naka-line up na the things or activities I would do for their 60th anniversary, too!”

Is she aware na ngayong isa na siyang sexy calendar girl-kikilitiin na rin niya at papasukin ang imahinasyon ng maraming kalalakihan? Alam ba niya ‘yun?

“Strange! But when else should I do this? ‘Di ba? Now is a good time and okay lang.”

Aba! At may nagtatanong na kay Heart how she will be when she becomes First Lady, ha?

“How flattering! It would be a nice idea. With showbiz and everything we’ve been through, it’s a big thing. But if and when—I’ll just be myself. If I want to wear what I want to wear then I’ll wear it!”

Malamang, first time na may seksing pictures ng First Lady in Malacanan. Wishful thinking lang!

Daniel at Kathryn, lalong kinakikiligan ng fans

MARAMI na ang nag-aabang na mapanood ang horror flick na matutunghayan sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na tinatampukan ng love team na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang Pagpag.

It seems the fans couldn’t get enough of the kakilig couple kahit gabi-gabi na nilang kinikiliti ang mga manonood sa eksena nila sa Got to Believe.

Lalo ngayon at hindi natuloy ang pagsama ni Joaquin sa kanyang ina sa Amerika at para naman siyang isang panaginip na humarap kay Chichay.

Gaano na nga ba kalalim ang damdamin nila sa isa’t isa off cam? At anong mga bagong sorpresa kaya ang ihahatid nila sa isa’t isa sa araw ng Pasko?

Pilar Mateo

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top