Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Padyak boy, patay sa tarak

Padyak boy, patay sa tarak

PATAY ang  isang pedicab driver nang saksakin sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng hindi nakilalang suspek sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Ronald Vargas,  38, ng Unit 30 Bldg. 7, Temporary Housing, Tondo.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 12:15 ng madaling araw natutulog ang biktima nang pasukin ng suspek sa loob ng kanyang bahay.

Nagising ang biktima at nasabi pa sa asawang si  Rowena na siya ay may saksak.

Agad isinugod ni Rowena sa Gat Andres Binofacio Hospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival dahil sa malalim na tama ng saksak sa  dibdib.                 (l. basilio)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top