Friday , October 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Laban ni Rigondeaux nakaaantok

Laban ni Rigondeaux nakaaantok

PAGKATAPOS ng mainit na palitan ng kamao nina James Kirkland at Golen Tapia sa Boardwalk Hall sa Atlantic City na gumising sa kuryusidad ng boxing fans, nakaramdaman naman ng antok ang mga manonood sa naging laban nina Guillermo Rigondeaux at Joseph Agbeko.

Katulad ng ginawa ni Rigondeaux nang tinalo niya sa nakakainip na laban si Nonito Donaire noong nakaraang taon, tinalo niya sa inip ang kalabang si Agbeko.

May pagkakataon pa sa Round 5 na isang beses lang nakakonekta  ng suntok ang two-time Olympic gold medalist na ikinasora ng mga manonood.

Ayon sa report ni William Holmes ng Boxing Insider, sa kalahatian ng laban ng dalawang boksingero ay simula ang umuwi ang boxing fans dahil sa kawalan ng maiinit na aksiyon.

Sa nasabing laban ay nanalo si Rigondeaux via unanimous decision.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top