Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Korina at Robin, nagbigay-tulong sa mga Badjao

Korina at Robin, nagbigay-tulong sa mga Badjao

SA isang linggong hindi napanood si Korina Sanchez sa TV Patrol at hindi napakinggan sa kanyang radio program na Rated Korina ay isa sa binisita niyang bayan ang Zamboanga kasama ang aktor na si Robin Padilla para bisitahin ang mga Badjao na nasunugan ng bahay sa Zamboanga na resulta ng digmaan ng MNLF (Moro National Liberation Front) at mga puwersa ng gobyerno.

Dinalaw din ang mga labi ng pinaka-matandang mosque sa Zamboanga na matatagpuan sa Rio Hondo na central na lokasyon ng tatlong (3) linggong barilan noong nakaraang Setyembre 2013. Ang nasabing mosque ay isang preserved heritage site na  nasunog ng buong-buo.

Samantala, nakasama ng news anchor ang ABS-CBN Star Magic artists na sina Chokoleit, Pokwang, at Erich Gonzales sa pamimigay ng Christmas packages sa war-torn Zamboanga na talagang tuwang-tuwa ang mga kababayan nating taga-Zamboanga sa regalong natanggap nila.

At ngayong gabi sa ABS-CBN Christmas Special na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum ay sina Korina at Binoe ang hosts para sa isang segment.
Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top