Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / News / DENR surveyor live-in partner kalaboso (Lolo brutal na pinatay)

DENR surveyor live-in partner kalaboso (Lolo brutal na pinatay)

LA UNION – Nakapiit na sa San Fernando City Jail at patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang mag-live-in partner na suspek sa brutal na pagpatay sa 61-anyos lolo sa loob ng bahay ng biktima sa Brgy. Tanqui, San Fernando City, La Union.

Ang mga suspek ay sina Richard Cabigun, 22, surveyor ng DENR, residente ng Brgy. Pagudpud, San Fernando City, at ang ampon ng biktima na si Rechel Jucutan, 19-anyos.

Ang biktimang si Ricardo Jucutan, biyudo, ay natagpuang may mga taga at saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan gamit ang kutsilyo at icepick, na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa imbestigasyon, nakita ng kapitbahay ng biktima na si Ernesto Sibayan ang paglabas ng mga suspek mula sa bahay ng matanda dakong 1:40 a.m. kamakalawa matapos makarinig ng sigaw ng nag-papasaklolong si Jucutan.                       (HNT)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top