Tuesday , November 4 2025

Big Chill, Hog’s Breath Llamado sa laban

KAPWA pinapaboran ang Big Chill at Hog’s Breath Cafe kontra mga naghihingalong kalaban sa  2013-14  PBA D-League Aspirants Cup mamayang hapon sa Blue Eagle Gym sa Quezon City.

Makakaharap ng Big Chill ang Arellano University/Air 21 sa ganap na 2 pm. Makakasagupa naman ng Hog’s Breath Cafe ang Derulo Accelero sa ganap na 4 pm.

Ang Hog’s Breath Cafe ang tanging koponang hindi pa nakakatikim ng kabiguan  sa torneo. Nakapagposte na sila ng anim na sunud-sunod na tagumpay.

Magkaganito man ay ayaw ni coach Caloy Garcia na magkompiyansa nang husto ang Razorback dahil alam niya na puwedeng magising ang Derulo Accelero at makapagbigay ng magandang laban.

Ang Oiler,  na hawak ni coach Paolo Mendoza, ay may iisang panalo sa walong laro at ito ay kontra sa Arellano\Air 21 (82-75).

Sa tagumpay na iyon ay nagbida si Raul Soyud na nagtapos nang may double-double performance. Umaasa si Mendoza na si Soyud ay makakakuha ng magandang suporta sa kanyang mga kakampi.

Ang Hog’s Breath ay pinamumunuan ng mga Letran College players na sina Jonathan Belorio, Kevin Racal, Jamal Gabawan at Ford Ruaya.

Ang Big Chill ay nasa ikalawang  puwesto sa record na 6-1 matapos na matalo sa defending champion NLEX Road Warriors.

Si Big Chill coach Robert Sison ay sumasandig sa mga ex-pros na sina Khasim Mirza at Jason Ballesteros.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Catherine Cruz Batang Pinoy

Pang-4 na ginto, ikinuwintas ni Cruz sa Batang Pinoy 2025

GENERAL SANTOS CITY –Nakamit ni FJ Catherine Cruz ng City of Mabalacat ang pang-apat na …

Noah Arkfeld Surfing PSC

Arkfeld, sakay ng ‘alon ng mga pangarap’ patungo sa matagumpay na surfing career

GENERAL LUNA, SIARGAO — Habang karamihan sa mga bata ay nagsisimula pa lamang matutong magbisikleta, …

Franklin Catera Batang Pinoy Games

Batang Pinoy 2025
Catera nagtala ng bagong rekord sa high jump

GENERAL SANTOS CITY –  Umukit ng panibagong record si Franklin Catera ng Iloilo City nang …

ArenaPlus Miguel Tabuena FEAT

ArenaPlus official ambassador Miguel Tabuena becomes the first Filipino to win the International Series Tournament

Ignited with grit and perseverance, ArenaPlus ambassador Miguel Tabuena wins his first International Series trophy …

Greggy Odal Batang Pinoy Games

Unang sabak sa Batang Pinoy, sumungkit ng gold medal

GENERAL SANTOS CITY – Nakitaan ng determinasyon sina MC Greggy Odal ng Davao Del Sur …