Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Barcelona hindi biro ang tinapos

Barcelona hindi biro ang tinapos

Isang bagitong mananakbo na naman ang ating aabangan at panonoorin mula sa kuwadra ni Mayor Sandy Javier, iyan ay walang iba kundi ang kabayong si Barcelona na nagwagi sa kanyang maiden assignment nitong nagdaang Biyernes sa pista ng Sta. Ana Park.

Sa halos buong distansiya ng laban ay nakapamigura lang ang sakay niyang hinete na si Jesse B. Guce at nung palapit na sila sa meta ay kitang-kita na marami pang ibubuga si Barcelona sa laban.

Ang matindi sa lahat ay nung maipakita sa TV monitor ang tinapos na tiyempong 1:20.5 na may mga kuwartos na 07.5-23.5-24.0-25.5 sa distansiyang 1,300 meters.

Aba eh hindi biro ang tinapos na iyan para sa isang 2YO pa lamang, lalo pa iyong idinating na 24.0 at 25.5 sa huling medya milya habang nakapirmis pa. Kaya horse to watch iyan mga klasmeyts.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top