Monday , November 17 2025

Boosters nananalo kahit kulang ang sandata

PAHIRAP nang pahirap ang sitwasyong dinaraanan ng Petron Blaze para mapanatiling malinis ang record nito sa PLDT myDSL PBA Philippine Cup.

Aba’y mutik na silang masilat ng Alaska Milk noong Sabado pero nakakapit sila hanggang sa dulo upang mairehistro ang ikalimang sunod na tagumpay at manatiling tanging koponang hindi pa nakakatikim ng kabiguan sa torneo.

Bago ang panalong iyon ay pinahirapan din sila ng Barako Bull sa loob ng tatlong quarter.

Well, understandable naman kung bakit nahihirapan ang Boosters.

Ang dami kasi nilang manlalarong nasa injured list. Kabilang dito sina Alex Cabagnot, Chris Ross, Ronald Tubid at Yousef Taha.

Laban sa Barako Bull ay hindi rin nila nakasama si Chris Lutz.

Kung tutuusin, overachieving na nga ang  Boosters at si coach Gelacio Abanilla.

Kasi, puwede naman silang patawarin kung napagtatalo sila. Kulang sila sa armas, e.

Pero hindi nila ginagamit na excuse ang kakulangang iyon. Bagkus ay ginagamit ni Abanilla ang kawalan upang ma-challenge ang kanyang mga manlalaro.

At nailalabas naman ng mga tulad nina Paolo Hubalde, Jojo Duncil at Jason Deutchmann ang puwede nilang gawin.

Ang maganda dito’y mahahasa sila nang husto habang hinihintay ang pagbabalik ng mga premyadong kakampi.

Kung babalik ang mga ito, hindi naman sasama ang kanilang loob sakaling lumiit ang kanilang playing time o kaya’y mabangko silang muli.

Nagawa na nila ang kanilang magagawa.

Kaya naman sa puntong ito ay lalong pinangingilagan ang Boosters. Kasi nananalo sila ng kulang ang sandata.

Paano pa kaya kung kumpleto na sila?

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

GAP Cynthia Carrion

Makabuluhang mga medalya para sa mga magkakampeon sa World Junior Gymfest – Carrion

ANG mga medalya na iginagawad sa mga nagwawagi sa mga pandaigdigang paligsahan sa palakasan ay …

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …