Thursday , October 1 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anne, lumabas ang tunay na ugali dahil sa kalasingan

Anne, lumabas ang tunay na ugali dahil sa kalasingan

NGAYON ano mang sorry ang sabihin ni Anne Curtis, at kahit na nga sabihing pinatawad naman siya at hindi inireklamo ng kanyang mga sinabihan ng masama at sinampal pa sa isang club habang siya ay lasing na lasing, nasa hot water siya. Hindi nila masisisi ang media na wala namang nalalaman sa gulong iyan hanggang sa makalipas ang ilang araw. Una iyang kumalat sa mga social networking site sa internet, kasi marami naman ang nakakita at nakaalam.

Sa ngayon, hindi na puwede iyong manahimik ka na lang, lalo na at ganyan kalaki ang nalikhang eskandalo. Hindi kagaya noong araw na huwag ka lang magbigay ng statement sa press o makiusap ka na lang sa mga kaibigan mo na huwag nang isulat iyon ay puwede na. Ngayon sa dami ng mga nasa social networking site, mahirap mong itago ang mga ganyang pangyayari. Isipin ninyo, quoted pati kung ano-ano ang kanyang sinabi.

Tama ba namang sabihing, ”I can buy you, your friends and even this club”, kahit na nga sabihing milyonaryo ka na. Siguro nga lasing lang siya, pero alam naman ninyo ang mga tao kung lasing, doon lumalabas ang tunay na takbo ng isip at ugali. Naging lasenggo rin kami noong araw, kaya alam namin iyan. Hindi totoong basta nalasing ay hindi alam ang ginagawa. Roon nga lang lumalabas ang tunay na ugali ng isang tao. Wala na kasing inhibitions eh, kasi nga lasing na.

Riyan sa pagkalasing na iyan ni Anne, lumabas ang tunay niyang character. At hindi magandang character ang lumabas ha. Oo nga at bigla naman siyang nag-apologize matapos niyang mahimasmasan, pero iyong tsismis sa mga social networking site, hindi nahimasmasan. Tuloy pa rin. May nagkukuwento lang. May nanlalait sa kanya. May pinagtatawanan siya. Mayroon namang nakakaunawa na baka nga kaya ganoon ay dahil may pinagdaraanan lamang siya.

Ano mang justification ng kanyang mga kaibigan, palagay namin walang mangyayari sa ngayon. Ang pinakamaganda nga sigurong magagawa niya ay tumahimik na lang, ano man ang sabihin ng mga tao at hintayin na lang lumipas ang lahat. At higit sa lahat, pangaralan iyan ha, na huwag maglalasing kung hindi niya kayang dalhin ang sarili niya.

Boots, muling magpapakasal; Camille, may BF na rin!

MAGPAPAKASAL na muli ang aktres na si Boots Anson Roa, at ang kanyang boyfriend ay si Atty. King Rodrigo. Bale 69 na si Boots at ang boyfriend niya ay 74. Palagay namin walang ibang nag-udyok sa kanila kundi true love.

May boyfriend na rin pala ang isa pang biyuda, si Camille Prats. Bata pa naman talaga si Camille, at siguro nga masasabing kailangan pa rin naman niya ng makakasama sa mahabang panahon pa ng kanyang buhay.

Kasabihan ng mga Filipino, ”walang pangalawang glorya”. Pero ano ang malay ninyo. Kung talagang in love nga sila sa isa’t isa, may imposible ba?

Paalam Bobot

YUMAO na ang batikang photographer na si Bobot Meru. Inatake siya sa puso habang nagmamaneho ng kanyang kotse.

Sa mga kaibigan at dating mga kasama, ang labi ni Bobot ay nasa Paz Funeral Homes, sa Sucat, Paranaque, sa may pagpasok ng Manila Memorial Park. Ang amin pong pakikiramay sa kanyang pamilya.

Ed de Leon

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top