Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 300 MMDA personnel pararangalan

300 MMDA personnel pararangalan

PARARANGALAN ang 300 kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinadala sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.

Ani MMDA Chairman Francis Tolentino, isasagawa ang pagbibigay parangal matapos ang gagawing pagpupugay sa watawat ngayong Lunes.

Pahayag ni Tolentino, ang pagbibigay parangal ay ang pagkilala sa ipinamalas nilang pagtulong sa clearing operation at pagtukoy sa mga namatay sa bagyo.

“Pagkakalooban namin sila ng certificate of appreciation at ang ilan naman ay bibigyan ng medalya kasama ang kanilang mahal sa buhay,” pahayag pa ng opisyal. (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top