Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Ano ang awtoridad ng Soriano brothers sa Divisoria vendors? (Attention: yorme Erap)

Ano ang awtoridad ng Soriano brothers sa Divisoria vendors? (Attention: yorme Erap)

00 Bulabugin JSY

ORAS na siguro para kastigohin ni Manila Yorme ERAP ang ilang tao na nakikialam sa palakad sa mga Vendors lalo sa Divisoria.

Para sa iyong kaalaman Mr. Erap, may ilang tao na inihahanap ka ng mga taong magagalit at minumura ka diyan sa Divisoria.

Inirereklamo ng mga agrabyadong naghihikahos na vendors ang umano’y mag-utol na SIRANO ‘este SORIANO na imbes ayusin ang sistema ng pagtitinda sa Divisoria ‘e pagpapahirap ang ginagawa sa kanila.

Base sa sumbong sa Bulabugin ng mga pobreng vendors sa lugar, si alias SPO-2-10 SORIANO umano ay may isang samahan (USVDAI) na ginagamit para gipitin ang mga vendor.

Ito rin daw si TATA SORIANO ang nagsasabing ise-CENTRALIZE ang koleksyon sa  mga vendors para sa HAWKERS, DPS, City Hall, MPD HQ, PS-2 at PS-11.

Eto naman isang alias FERDER SORIANO, ang humahawak ng TANGGA at TARA ng mga vendor na nasa kalye RECTO paikot sa SOLER.

Ipinagyayabang pa raw na naghahatag sila ng P15k kada linggo para sa “assistance at clearing” ng MPD PS-11 na pinamumunuan ni Kernel Dorobo ‘este’ Doromal!?

By the way, Yorme Erap, isang utol ng SORIANO Brothers na si alyas JOJIE ay nahuli ng lente ng BITAG ni Ben Tulfo sa kanyang pananakot at pangongotong sa Divisoria vendors kamakailan lang.

ALAM rin kaya ni ERAP, na mayroong sariling PAY PARKING ng mga KARITON ng vendors si Tata JIMMY sa ilang sanga-sangang kalye sa gilid ng Recto?!

Gusto lang natin ITANONG kay Erap, ito bang Soriano brothers ay may basbas o permiso n’ya na magmando ng mga vendor sa Divisoria?

Aba’y kung wala Mr. Mayor, dapat mong kalusin agad ang mga taong ‘yan na lalong sumisira sa ‘yo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top