Thursday , November 26 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 2 bata ikinulong ikinadena ng ama

2 bata ikinulong ikinadena ng ama

DAGUPAN CITY – Nasagip ng mga awtoridad ang magkapatid na menor de edad na ikinulong at ikinadena ng kanilang ama sa loob ng kanilang bahay habang siya ay nasa trabaho sa bayan ng Mangatarem sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa suspek, napilitan lamang siyang gawin ito sa kanyang dalawang anak dahil sa kawalan ng mag-aalaga sa kanila habang siya ay nasa trabaho.

Napag-alaman hiwalay na ang suspek sa kanyang misis kaya’t walang nag-aaruga sa dalawa nilang anak habang siya ay nasa trabaho.

Agad nagresponde ang punong barangay na si Ricardo de Guzman at idinulog sa Municipal Social Welfare Office ang insidente.

Sa kabila nito, hindi na sasampahan ng kaso ang ama bagama’t nasa kustodiya ng DSWD ang dalawa niyang menor de edad na anak.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top