Sunday , September 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / PPL, naghandog ng simple at makabuluhang Christmas dinner

PPL, naghandog ng simple at makabuluhang Christmas dinner

ISANG simpleng dinner date for the press ang aming dinaluhan noong Lunes sa imbitasyon ni Perry Lansingan, ang kaibigan naming talent manager ng PPL artists.

Simple dahil nagsalo-salo kami sa isang tahimik na gabi kasama ang  talents ng PPL for a dinner at kuwentuhan. Ito na rin ang maagang Christmas party for the press ng PPL na hindi naging magarbo ang gabi  dahil mas pinaglaanan ang pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyong Yolanda sa Visayas.

Kaya kaunting sakripisyo rin mula sa entertainment press ang nangyari that evening dahil walang pa-raffle at games na nangyari. Gayunman, hindi pa rin nakalimutang magbigay ng kanilang Pamaskong handog sa press ang PPL talents kaya naman wala pa ring umuwing luhaan noh!

Every year naman itong ginagawa ng PPL kaya naman lubos-lubos ang aming pasasalamat personally sa PPL sa pagpapahalagang ibinibigay nito sa aming nasa entertainment press!

Dominic Rea

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top