Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, nasa Singapore para sa Asian TV Awards

Kris, nasa Singapore para sa Asian TV Awards

NASA Singapore ngayon si Kris Aquino para sa Asian TV Awards na gaganapin ngayong gabi at isa ang Queen of All Media sa presenter para sa tatlong kategorya.

Kasamang tumulak ni Kris sina Kris TV headwriter Darla Sauler at business unit head na si Lui Andrada at ibang staff ng TV host.

Nominado raw si Kris bilang TV Personality at hindi nominado ang programa niyang Kris Reali-TV.

“Hindi po, nominated si Kris as a person not ‘Kris TV’,” say sa amin ng staff ni Kris.

Bukas ang balik ni Kris dahil sa Sabado hanggang Linggo ay may promo sila sa Cebu para sa My Little Bossings na kasama sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Naalala namin ang sabi ni Kris sa nakaraang presscon ng My Little Bossings, “hindi pala nagma-mall show si Vic, eh, um-oo na ako sa mall show sa Cebu, kaya wala siyang magawa, ha, ha, ha.”

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top