Saturday , September 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andi, ‘di kailangang mamalimos ng suporta kay Albie

Andi, ‘di kailangang mamalimos ng suporta kay Albie

INAMIN sa amin ni Andi Eigenman na wala na siyang pakialam sa buhay ng lalaking itinuturing naman daw niyang ama ng kanyang anak na si Albie Casino.

‘Yan ang nabatid namin sa sikat ngayong aktres nang sadyain ito sa taping ng Galema last week.

Ayon kay Andi, masaya na siya ngayon sa kanyang pribadong buhay kasama ang kanyang anak. Hindi niya na kailangang mamalimos sa ama ng kanyang anak dahil nakikita naman daw ngayon kung paano siya magtrabaho.

Wala na rin daw siyang hinanakit sa buhay pagkatapos ng lahat ng nangyari dahil malaking bagay ang kanyang anak para maging inspirasyon sa kanyang trabaho.

Nang tanungin namin kung ano naman ang kanyang gagawin sakaling hanapin ng kanyang anak ang ama, hindi naman daw niya ipagdadrmot iyon sa kanyang anak.

Dominic Rea

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top