Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anne, madalas sa Prive Club na umiinom dahil problemado?

Anne, madalas sa Prive Club na umiinom dahil problemado?

OKAY, we were not there when it happened sa Prive Club at the Bonifacio Global City. Pero ang bilis ngang kumalat ng balita tungkol sa insidenteng kinasangkutan ng actress-TV host cum singer na si Anne Curtis. Ang agad-agad na kumalat na balita eh, nanampal ito umano at nagmumura pa sa mga tao sa paligid niya that time.

Humingi na si Anne ng dispensa sa lahat ng kanyang nasampal that night sa nasabing bar na pag-aari ni JM Rodriguez. Sa club na iyon madalas tumambay ang mga celebrity, pati na ang mga tao sa alta sosyedad—ang mga sinasabi at tinatawag na ngayong A-Listers.

Ayon sa mga kuwento, lasing si Anne that night. In fact, nagpa-reserve nga raw ito ng isang area na magiging exclusive lang para sa kanya and her friends.

Ang sumunod na kuwento eh, ‘yung sa CR. Sa second floor kasi ng nasabing establishment, hindi common ang CR at isa-isa lang ang makakapasok. So, nairita umano si Anne na may katok nang katok sa pinto. Kaya nang lumabas siya, ang nabungaran niya at nasampal na niya sa tindi ng galit eh, sina JM, John Lloyd Cruz, pati raw ang general manager ng Globe na Leah ang pangalan, siJR Isaac at may isa pa na hindi naman nila kasama sa grupo at nakapila nga lang para mag-CR.

Pero, ayon sa kwento sa amin—lumaban itong hindi showbiz personality kay Anne kaya nagkaroon pa raw ng pisikalan. Something like sabunutan.

Nasa nasabing get-together din pala ang aktor na si Jake Cuenca. ‘Yun nga lang, ang kasama nito eh, si Charina Sarte at mayroon silang meeting at inaayos din na mga kailangan ni Jake sa kanyang trabaho kaya nasa ibang area sila ng nasabing club. Kaya gulat lang ito sa naabutan niyang insidente.

So as not to make matters worse, si Jake na nga lang daw ang humila kay John Lloyd para ilayo na ito sa nagaganap na commotion sa nasabing club.

Kung paano naka-uwi si Anne, malamang na ang groupies niya na rin ang naghatid sa kanya pauwi.

Madalas na palang babaran ni Anne ang nasabing club. At madalas na raw itong nakikitang umiinom doon. At ang dating nga nito sa mga nakakakita eh, parang problemado.

Hindi na natin malalaman ang kasagutan ni Anne sa mga bagong sulpot na kuwento tungkol sa nasabing insidente dahil sinabi na nito lahat sa kanyang Twitter account ang mga nangyari base sa pagkaka-alala niya kaya first and last na salita na raw niya ‘yun!

Nag-apologize na raw siya sa mga nasaktan niya ng pisikal at maski na sa mga namura-mura niya roon gaya ni Phoemela Baranda na siya niyang napagsalitaan ng kaya niyang bilhin ito sampu ng kanyang mga kaibigan pati na ang may-ari ng bar na nasa likod niya lang that time na si JM.

Kaya, ito ang linyang kumakalat ngayon sa social media. Ang ”I can buy you and your friends, this establishment and even the owner!”

Ilang panahon lang naman ‘yang mapapaglaruan for sure.

Now, we’re seeing the other side ng isang artista. Inom na naman ang dahilan. Sana, hindi GSM Blue ang iniinom niya, sabi ng mga miron. Baka maka-apekto pa ‘yun sa pagiging endorser niya nito.

Sam, ‘best kisser’ para kay Uge

SA press conference ng Kimmydora: ang Kiyemenng Prequel na pinagbibidahan ni Eugene Domingo at Sam Milby, nausisa ang actor tungkol sa nasabing insidente, being Anne’s ex-boyfriend.

Maingat si Sam. Mailap. At hindi sinasagot ang mga tanong dahil that very same day din lang daw niya nabalitaan ang nangyari. Wala naman daw siya roon. At matagal na silang walang communications ni Anne. Mangyayari na sana ‘yun pero natigil pa ang shoot ng pelikulang pagsasamahan nila.

Lahat ng ways ginawa ng mga kausap na press ni Sam para siya makapagsalita about Anne. Lalo na ang ugali nito noong sila pa. Ang nasabi lang ni Sam, walang pisikalan kung nagkakagalit o away man sila. The rest, masyado na raw personal para pa niya ibuyangyang ngayon na wala naman talagang kinalaman sa kanya with Anne dahil past tense na nga sila.

Dahil ayaw ng Anne topic, lipat kami sa Jessy Mendiola topic. Aminado siya na he’s courtingMaria Mercedes. Pero nasa getting to know each other stage pa rin daw sila.

Uuwi sa Pasko ang family ni Sam para rito magse-celebrate and yes, he will introduce Jessy to them dahil ginagawa naman daw niya ‘yun sa lahat ng girls na napapalapit sa puso niya.

Kaloka-loka lang, na sa mga kaharap ni Sam, marami ang nag-advice sa kanya na maghintay pa rin siya sa tamang babae para sa kanya—lalo na nang sinabi niyang kung may darating na babae now sa buhay niya, gusto niyang ito na ang makatuluyan niya.

Violent reactions!

Eh, ka-in love-in love naman kasi ang walang kiyemeng aktor.

Sinabi na nga ni Eugene na she experienced the best kiss kay Sam sa bale eh, prequel na pelikula. Aba-inilarawan pa ni Sam na it’s a ‘sipsip sa hita’ ni Eugene sa beach scene nila.

Sabi namin, eh ‘di dapat ‘sucker’ ang term na ginamit. Best sucker?

“Ay, pangit! Best kisser na lang po uli!”

Pilar Mateo

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top