Monday , September 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Tuluyan na bang nawalan ng saysay si Major Olive Sagaysay?

Tuluyan na bang nawalan ng saysay si Major Olive Sagaysay?

00 Bulabugin JSY

PLEASE DON’T call me male chauvinist pig.

Pero alam n’yo naman sa lipunan natin, kapag ang tiwali ay isang lalaking opisyal ang tawag d’yan ay regular na corrupt.

Pero kapag isang babaeng opisyal ang corrupt, ang tawag daw d’yan ay TALAMAK na, MAKAPAL pa ang mukha.

Sa tagal ko na pong namamalagi sa Maynila, ngayon lang ako nakarinig ng balita na nag-STRIKE ang iba’t ibang TRANSPORT GROUP para TUTULAN ang grabeng pang-aabuso ng mga MPD traffic police na ngayon ay pinamumunuan ng isang babaeng opisyal na si Chief Insp. Olive Sagaysay.

At ‘yan po ang itinatanong nating TALAMAK na MAKAPAL pa ang MUKHA?

Hindi po lingid sa ating lahat, na ang mga jeepney drivers, ay isa sa mga delihensiyahan ng mga tiwaling pulis.

Pero hangga’t makakayanan at may natatanggap na proteksiyon ang jeepney drivers na ‘yan sa mga traffic police, masama man ang loob ay tumutupad sila sa mga ‘gentleman’s agreement.’

Ibig sabihin po n’yan, mga kasunduang hindi na kailangang isulat pa sa papel.

Pero mukhang KAKAIBA, at IBANG-IBA talaga ang SISTEMA ni Major SAGAYSAY sa kanyang mga tauhan.

‘Yun bang tipong parang gusto na nilang ubusin at nililikom ang kinikita ng jeepney derivers?

‘Yun bang tipong parang sila na lang ang ipinaghahanapbuhay ng mga jeepney driver?

Kaya hayan, nang hindi na makatiis, TIGIL-PASADA ang isinagot ng transport groups sa mga pang-aabuso ng MPD-TEU na pinamumunuan ni SAGAYSAY.

Ano ba’yan?!

Ano pa ang hinihintay mo Major Sagaysay, mag-resign ka na diyan sa pwesto mo ‘e pati AMO mo napapahamak sa iyo?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top