Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Pasimuno ng ‘patulo’ patay sa ambush

Pasimuno ng ‘patulo’ patay sa ambush

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay agad ang itinuturing na bossing ng ‘patulo’ sa LPG makaraang paputukan ng apat na beses ng hinihinalang kakompetensya sa ilegal na modus operandi kamakalawa ng gabi sa Mariveles, Bataan.

Kinilala ang biktimang si Roger Borres, 34, nakatira sa Brgy. Alangan, Limay, Bataan.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong 6:30 p.m. habang naglalakad ang biktima sa MAAP Road sakop ng Brgy. Alas-asin ng nasabing bayan nang harangin ng hindi nakilalang salarin at siya ay pinagbabaril. Mabilis na tumakas ang suspek makaraan ang insidente.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad kung ang ‘patulo’ sa LPG ang motibo sa pagpaslang.

(RAUL SUSCANO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top