Saturday , August 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Maguindanao vice mayor nakalusot sa ambush

Maguindanao vice mayor nakalusot sa ambush

KORONADAL CITY- Nakaligtas sa ambush ang bise alkalde ng South Upi, Maguindanao na si Vice Mayor Remegio Sioson.

Samantala, sugatan naman ang driver niyang si Mario Erese, 45.

Ayon sa report, pauwi na si Sioson kasama ang military escort galing sa birthday party sa Cotabato City nang mangyari ang insidente sa Brgy. Kabukay na border ng North Upi at Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nakipagpalitan ng putok sa mga armado ang military escort ng naturang opisyal na pinangungunahan ni 1Lt. Clifford Catapang ng 8th Marine Battalion Landing Team.

Samantala, inihayag ni Sioson sa pulisya na wala naman siyang kaaway at naniniwalang ang nangyaring ambush ay mistaken identity.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top