Wednesday , September 24 2025

Libreng HIV test sinimulan sa Kamara (9 months pa lang 6,000 positibo)

NAKAAALARMA ang mabilis na paglaganap ng HIV sa ating bansa, kung kaya’t nagsagawa  ng libreng HIV testing na pinangunahan mismo  ng Kamara.

Mula sa inisyatibo ng tatlong mambabatas na sina Akbayan Party-list Rep. Mario Gutierrez, Rep. Teddy Baguilat at Rep. Lani Mercado, inumpisahan kahapon ang naturang testing na magtatapos sa Miyerkoles at depende kong may extension pa.

Ayon sa mga mambabatas, nakababahala na ang lumalaking datos ng mga HIV positive at karamihan sa mga tinatamaan ay kabilang sa hanay ng kabataan.

Umaasa rin ang tatlo na  boluntaryong magpapa-eksamin ang kanilang mga kabaro matapos na sila mismo ay dumaan sa nasabing testing.

Kaugnay nito, inihain ng tatlo ang House Bill 2744, para  mabawasan ang bilang at labanan ang HIV na umabot na sa 6,000 katao ang naapektuhan sa pagitan ng January-October  2013. (JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …