Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Korina, balik-TV Patrol at Rated Korina

Korina, balik-TV Patrol at Rated Korina

ANO kaya ang masasabi ng mga nagkakalat na suspendido ng isang taon ang TV anchor na si Korina Sanchez?

Noong nakaraang linggo ay napanood na ang report niya sa Ormoc City sa TV Patrol at kahapon ng umaga ay nag-report na rin siya sa radio program niyang Rated Korina at kagabi ay nasa balik Patrol na siya.

Nabuo ang isyung suspendido si Korina dahil halos dalawang linggo siyang hindi napanood sa TV Patrol at maging sa radio program niya ay hindi rin siya napakinggan at dahil wala namang inisyung official statement ang ABS-CBN sa pagkawala ng anchorwoman ay iisa lang ang ibig sabihin, hindi siya suspendido.

Tulad ng mga isinulat namin na kaya wala si Koring ay dahil kinober niya ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda para sa kanyang Rated K show na napapanood tuwing Linggo.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top