Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Solid ang samahan sa It’s Showtime at walang pa-star —Kuya Kim

Solid ang samahan sa It’s Showtime at walang pa-star —Kuya Kim

MULING ipinakita ni Kim Atienza ang kanyang galing bilang TV host sa nagdaang 27th Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club last week. Nakasungkit siya ng dalawang awards sa naturang event.

Itinanghal ang TV host na mas kilala sa bansag na Kuya Kim bilang Best Educational Program Host para sa Matanglawin. Nanalo rin ang isa pa niyang programang It’s Showtime bilang Best Variety Show na isa si Kuya Kim sa host kasama sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle, Billy Crawford, Jhong Hilario, at iba pa.

Nang tanggapin niya ang parangal, kabilang sa pinasalamatan ni Kuya Kim ang mga staff ng kanilang show at mga boss niya sa ABS CBN.

Nang makapanayam namin siya at usisain ang kanyang health condition matapos tamaan ngGuillain Barre disease, nasabi niyang naka-recover na siya at one hundred percent nang okay.

Kamusta naman ang kanilang samahan ngayon sa It’s Showtime?

“Well, ‘di mo kailangang magkasakit para maramdaman mo ‘yung pagmamahal nila sa iyo ‘no, maganda ang samahan namin e.

“Actually lahat ng nakakapanood ng show, ang sabi ay, ‘Kaya naman namin pinapanood  ‘yung show ninyo dahil maganda ang samahan ninyo.’ Iyong samahan namin sa Showtime, totoo ‘yun, hindi showbiz ‘yun, ‘di pakitang tao ‘yun.

“Noong nagkasakit ako lalo, talagang feel na feel ko ‘yung pagmamahal nila sa akin. Talagang… halos dalawin (nila) akong madalas,” nakangiting esplika pa niya.

Gaano ka-solid ang samahan nyo sa It’s Showtime, wala bang mga pa-star dito lalo’t iba ang level ng kasikatan nina Vice Ganda at Anne Curtis?

“Wala, walang ganoon, walang ganoon, solid ang samahan at walang pa-star sa show,” tugon niya.

“Kung anoman ang kasikatang natamo namin ngayon ay dahil doon sa show. At kung sumikat man kami, maganda rin para sa show. Kumbaga, alam mo yun? Iisa e, maganda ‘yung energy,” dagdag pa ni Kuya Kim.

Alice Dixson,  hindi type  si Derek Ramsay?

MULA nang na-annul ang kasal ni Alice Dixson early this year sa dating mister na si Ronnie Miranda, mas open na ngayon ang aktres na pag-usapan ang mga personal na bagay sa buhay niya tulad ng pagsasabing nakikipag-date na siya.

Aminado si Alice na nakikipag-date na ngayon sa isang non-showbiz guy. Pero tumanggi siyang magbigay ng iba pang detalye ukol sa bagay na ito.

May mga nang-iintriga naman sa magandang aktres na baka raw nagkakamabutihan na sila ng co-star niya sa For Love Or Money ng TV5 na si Derek Ramsay. Pero diretsahan niyang sinabi na hindi ‘pasok’ si Derek sa lalaking maaaring maging boyfriend niya.

Unang-una raw, ayaw nga kasi ni Alice na magka-boyfriend ng taga-showbiz. Ikalawa, mas gusto raw ng Tisay na aktres na mas matangkad sa kanya ang guy. Pero, pasok daw si Derek pagdating sa personality at pagiging funny nito.

Tungkol naman sa maiinit na eksena nila sa For Love Or Money, sinabi ni Alice na painit daw ito ng painit dahil kailangan daw talaga ito sa kanilang TV series. Pero dahil pang-TV kaya medyo tame naman daw ito. Ayon pa kay Alice, very professional naman ang treatment sa kanilang love scene at gentleman naman si Derek. Idinagdag pa niyang second time na nilang nagkasama, kaya smooth naman ang kanilang trabaho.

Unang nagkasama sa TV sina Alice at Derek sa TV5 sa pamamagitan ng Undercover.

Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top