Tuesday , November 4 2025

Nepomuceno sasabak na sa trabaho sa Customs

Pormal nang uupo ngayong araw (Lunes) bilang bagong deputy commissioner ng Enforcement Group (EG) ng Bureau of Customs (BoC) si dating Office of Civil Defense (OCD) director at executive officer Ariel Nepomuceno.

Nabatid na ang pagkakatalaga kay Nepomuceno sa kanyang bagong posisyon ay bahagi ng reform measures na mismong si Customs Commissioner Rozzano “Ruffy” Biazon ang nangunguna sa pagpapatupad ayon na rin sa “Tuwid na Daan” na patakaran ng administrasyong Aquino.

Si Nepomuceno ang pinakahuli na naitalaga ng Pangulong Aquino bilang mga bagong opisyal sa ahensya. Kanyang pamumunuan ang EG na pansamantalang hinawakan ni retired Armed Forces chief Gen. Jessie Dellosa na nauna nang naitalaga ng Punong Ehekutibo bilang deputy commissioner ng Intelligence Group ng BoC.

Napag-alaman na ang appointment papers niya ay nalagdaan noong Nobyembre 8 at siya ay nakatakda nang manumpa kay Pangulong Aquino ano mang araw sa linggong ito.

Sa kanyang pahayag, taos-pusong nagpasalamat si Nepomuceno sa Pangulo sa pagbibigay ng tiwala sa kanya at tahasang nangako na maging solidong ka-partner ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa pagpa-patupad ng huli ng mga programang pang-reporma sa ahensya.

”The reforms our people are expecting are not only about change of people, but change in people. Not only about re-organization, but making BoC into a functional, client-friendly and graft-free government agency,” ani Nepomuceno.

Dagdag pa nito: “Not only about policy change, but ensuring accountable and responsible operations at our respective duty stations.”

Isa sa mga pangunahing pagtutuunan ng pansin ni Nepomuceno ay ang ma-accredit ang BoC sa International Standard Organization (ISO) upang masiguro ang tinatawag na world-class customs service.

”Imagine our impact, if we perform our duties with the highest degree of accountability, integrity and transparency,” ayon pa sa bagong EG deputy commissioner na hindi na rin naman bago sa serbisyo-publiko dahil nauna nang maging opisyal ng OCD ng Department of National Defense (DND).

Noong 2003, naging director din siya ng Office of the Presidential Chief of Staff at general manager ng Food Terminal Inc., noong 2002.

Si Nepomuceno ay nagtapos na magna cum laude sa kursong Bachelor of Arts – History sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City at kasapi ng Philippine Military Academy Class of 1987. (JSY)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Salceda AIAI

Albay AI Institute, inilunsad ni Salceda

POLANGUI, Albay – Inihag at inilunsad sa bayang ito kamakailan ni dating Albay 2nd District Rep. …

Rodjun Cruz

Rodjun aminado Rayver mas magaling sumayaw (kahit dalawang beses nag-champion)

MATABILni John Fontanilla GRAND champion  ang duo nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos  na Stars on the Floor ng GMA …

PNP Nartatez Saludo Joel Deiparine

PNP, Nagbigay-Pugay kay Capt. Deiparine: Isang Buhay ng Katapangan, Paglilingkod, at Dangal

Pinangunahan ni Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang pagkilala …

PNP Nartatez Undas Bus

PNP naka-full alert para sa ligtas na paggunita ng Undas 2025

Habang milyon-milyong Pilipino ang nagsisiuwian upang alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay, nakahanda …

Scam fraud Money

Opisyal ng DA at  PRDP  at maliliit na contractors nabiktima ng scammer

ISANG grupo ng mga scammer ang nalantad sa pagpapakalat ng mga gawa-gawang kuwento ng katiwalian …