Monday , September 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Markki, outstanding ang ipinakitang galing sa Slumber Party (Kaya tatlong beses na-nominate…)

Markki, outstanding ang ipinakitang galing sa Slumber Party (Kaya tatlong beses na-nominate…)

HUNK actor Markki Stroem, actor/commercial model RK Bagatsing and character actor Archie Alemania play a gay roles in Slumber Party, a comedy film directed by Emman dela Cruz. Sa nasabing indie film, outstanding ang naging performance ng singer/actor.

Tatlong beses na-nominate si Markki for Best New Actor sa iba’t ibang award giving bodies. Na-nominate rin siyang Best Actor sa Cinema One last year.

Inamin ng binata na  nahirapan siyang mag-portray ng gay role. Weird nga raw dahil hindi naman siya comedian pero napansin ang galing niya sa pag-arte.

May sariling production company si Markki, ang Generation M. Kailan lang inilunsad ang first solo album niya entitled Thousands Of Pieces na kinapapalooban ng eight original songs composed by Markki himself. Naging daan ang reality singing contest naPilipinas Got Talent para maging artista.

“Nag-start ako as a singer, okay naman. Tapos may movie offer na dumating, maganda naman ‘yung project at challenging ‘yung role kaya tinanggap ko. Sinubukan kong maging artista, nagustuhan ko naman. Nagtuloy-tuloy, naka-apat akong movie project this year—‘Amor’, ‘Rakiteros,’ ‘Slumber Party,’ at ‘10, 000 Hours’. Drug addict ang role ko rito sa ‘10,000 Hours’ with Robin Padilla,”  wika ng young actor.

Ipinaliwanag ni Markki na ang  kanyang Generation M. is more on video. Nagko-cover sila ng wedding, birthday, anniversary, product launching, music video etc.. Personal niya itong sinu-supervise from editing, music layout etc. ”Actually, nagdi direk din ako minsan ng music video. May team ako na gumagawa ng video coverage.”

May plano rin ang binata na mag-produce ng indie film next year. Based in a true story, medyo may pagka-dark ang tema. Dream din niyang role ‘yung may psychological disorder , mala-Anthony Hopkins, Hannibal.

“Hindi mo alam kung ano ang kanilang iniisip, malalim silang tao.”

Happy si Markki sa pagiging actor dahil sa magagandang project na dumarating sa kanya.. Kapag tinatanong daw siya kung singing or acting ang priority niya, siansabi niyang, “Actually, ang mistress ko ang acting. Ang wife ko, ay ang singing. So, I’ve always go back sa singing. Pareho ko siyang gusto, singing ang acting. First two years ko puro singing, tapos, this year lang ako pumasok sa acting. Next year, gusto kong i-balance ‘yung singing and acting.”

Walang pakialam si  Markki kung makatutulong sa career niya na mag-frontal sa indie film na Amor Muerte na idinirehe ni Ces Evangelista. Katwiran niya, ”It’s more on the artistic side, hindi naman sa career side kaya ko ginawa ‘yun. Wala kasi akong inhibition. ‘Pag-movie, kailangan sa story, gagawin ko, isang beses lang. Pero hindi ko alam kung gagawin ko pa, next two years. Nagawa ko na, and I think, nag-grow ako as an actor.

“Nagawa ko na ‘yun so, sa tingin ko,  magiging komportable na ako sa mga su- sunod  kong role.  Magiging madali na sa akin ang mga susunod na character role na ipo-portray ko sa movie. Kahit may ganoon na movie akong ginawa,  nirerespeto naman ako ng mga tao. Okay naman sa family ko ‘yung daring scene na ginawa ko sa film. It’s the role, kailangan kasi sa scene. For the love of what your doing. Kailangan nandoon ‘yung passion mo sa trabaho para maging effective  ‘yung acting.”

Slumber Party, tells the story of three gay friends, the fashion forward Elle played by Markki, the vulgar but fanny Jhana played by Archie, and the refined Phil played by RK.

“Role? Tatlo kaming magkakaibigan dito sa indie film na ‘Slumber Party’. Ang role ko rito, gay designer/ stylist na sosyal. Hindi naman sosyal, feeling social lang na bitchy ‘yung character ko. Marami akong kinausap na friends ko. Sina Joey Samson (stylist/ designer),  Francis Libiran (designer), at ‘yung friendsko sa ‘ASAP’. The story based on friendship in gay community.”

Sinabi ni Markki, nai-project niya ng tama ang pagiging gay designer/stylist sa tulong ni Direk Emman.

“Si Direk , ang galing mag-motivate ng artista. Alam niya kung paano paaartehin ang actor sa set.  Actually, based ito sa totoong character Elle (Markki), Jhana (Archie) and Phil (RK ). Marami akong  natutuhan sa kanila. ‘Yung reaction, galaw pati beki language kailangang pag-aralan mo, mahirap. Kailangan kongmag-grow at malaman kung paano sila naging close sa isa’t isa as beki sa story.

“‘Yung character ko marami siyang insecurity, nakaiinis. Pero malalaman ninyo before the ending kung bakit ganoon ‘yung attitude niya.”

Walang keber mag-beki

Playing the gay role in the film, walang keber si Markki kung pagdudahan ang kanyang pagkalalaki.  ”Kapag pinagdudahan ako, effective ‘yung portrayal ko sa film. Kung hindi effective, sasabihin ng mga tao, hindi siya magaling umarte. Hindi niya kaya ‘yung gay role. Ako, komportable ako  sa sarili ko.  Kilalako ang sarili ko kaya puwede akong gumanap ng iba’t ibang role.”

Reaction ni  Markki sa tsikang pinapantasya siya ngayon ng mga beki dahil sa pagiging young and delicious. “Para sa akin, I can’t believe na iniisip nila ‘yung mga ganoon tungkol sa akin. Flattered ako, hindi ko binibigyang malisya humanga sila sa akin.”

Naging waiter/bartender si  Markki noong  time na naninirahan pa ito sa wSwitzerland. Nagbalik ‘Pinas ito para hanapin ang suwerte. Hindi naman nabigo ang hunk actor nang dahil sa PGT, nakilala at nagkapangalan siya. For three years in the industry, happy na si Markki sa nangyayari ngayon sa kanyang career.

Eddie Littlefield

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top