Friday , September 25 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Sandamakmak na kolek-tong naglutangan sa Maynila

Sandamakmak na kolek-tong naglutangan sa Maynila

00 Bulabugin JSY

Gusto kong tanungin si MPD district director Gen. Isagani Genabe kung kaya pa ba n’yang kontrolin ang kanyang mga pulis lalo na ang mga kotong cops?!

Madalas ipangalandakan ni Yorme Erap, na WALA na RAW kotong sa lungsod ng Maynila pero isang malaking kabaligtaran ang nangyayari ngayon.

Noong administrasyon ni Mayor Lim, e meron rin naman kolek-TONG pero iilan lang at tago pa.

Ngayon, garapalan na at parang piyesta na ng kolek-TONG sa Maynila. kaliwa’t kanan ang mga kumukuha ng tara y tangga sa mga nag-iiyakang club, vendors, at 1602 operator.

Sonabagan!!!

Kung nag-iiyakan ang mga naghahatag ng tong/tara ay HAPPY-HAPPY naman ang ilang kolek-tong ng MPD.

Yorme Erap at Gen. Genabe, hayaan n’yong ipakilala ko sa inyo ang mga sikat na kolek-TONG ngayon sa Maynila:

Bidang-bida raw sa Manila City Hall sina AKI-NO, RI-GOR-ILLA at  LAGRI-MASA.

Sila raw ang mga nagpapaikot ng kolektor sa Divisoria at Quiapo vendors. Isang Tarantado ‘este’ Tata SALSALAZAR ang kumukubra ng tara sa Plaza Miranda at Carriedo saka ide-deliver kay AKINO!?

Ang mga TARA y TANGGA naman mula sa mga Gambling Lords ay kay alyas POT3 VICEs at Ri-gor-illa ang hatag saka ide-deliver sa amo nila sa MASA-ma.

By the way, MASA Chief Major Iyakin ‘este’ Irinco, deklarado ba lahat sa inyo ang koleksyon ng isang alias KUPITAN?

Ito raw kasing si alias Kupitan, ay walang bukam-bibig kundi ang office of the vices ‘este’ Vice Mayor?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top