Tuesday , October 20 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris at Vic, magsasama naman sa isang sitcom! (After ng My Little Bossings movie…)

Kris at Vic, magsasama naman sa isang sitcom! (After ng My Little Bossings movie…)

SA grand presscon ng My Little Bossings na entry ngayong 2013 Metro Manila Film Festival produced ng OctoArts Films, M-Zet Films, APT Entertainment, at Kris Aquino Productions ay nadulas ang Queen of All Media na posibleng magsama sila ni Vic Sotto sa isang sitcom pagkatapos nitong pelikula nila.

Kaya naman pagkatapos ng Q and A ay tinanong si Kris kung ano ‘yung sitcom nila ni bossing Vic.

“He’ll kill me, magagalit sa akin si Vic. Ano kasi, ang unang nagsabi si Tita Cory Vidanes, way back, I don’t know if you remember, 2002 ata ‘yun, nag-guest si Vic sa ‘Game K N B?’ and it was one of the highest episode noong time na ‘yun, tapos nag-meet na sila ni Tita Cory para gumawa sana siya ng sitcom sa ABS at ano na talaga and it has fallen into place, tapos, nagkaroon ng re-negotiation with GMA 7, eh, tinapatan, so hindi natuloy ‘yung sa ABS kahit naka-dalawa o tatlong meeting na.

“So noong naki-meeting ako with Tita Cory para sa TV rights nito (‘My Little Bossings’), siya ang nagpaalala, sinabi niya na, ‘please remind Vic na 11 or 12 years ago, hinintay ko na, baka naman ngayon, puwede na.  Eh, sabi ni Vic, ‘puwede ba Kris, tapusin muna natin ‘to (pelikula nila), mamaya na lang ‘yan’ tapos sabi ko, ‘they’re (ABS-CBN) gonna pay you a lot’ tapos sabi niya (make face), ganoon. Ibang-iba relax kaya lumugar ako, sabi ko, ‘sige kung kailan ka na lang ready.’

“Kung ayaw niya, okay lang, kasi he’s (Vic) free, eh. Wala naman siyang network contract or with anybody, so with Ryza is free, wala ring network contract, at ipinaalam ko rin kay Tita Cory na, sabi ko kung wala naman ako roon (GMA) si Bimb, ibigay ko na lang sa kanila kasi itong grupong ito ang sumubaybay sa paglaki niya.

Vic, pinuri si Bimby

“At marunong si Vic kasi ng mapanood niya (‘My Little Bossings’), sabi n’ya, ‘congratulate Bimb for me’, kasi ‘yung pinagpe-pray daw niya na mangyari ay nalagpasan daw noong napanood niya. Kaya umiyak ako noong binabasa ko ang text na pinupuri ang anak ko. Tapos nireplayan ko (Vic) na, ‘I entrust what ever future career he’ll have with you, kung gusto mong ituloy ito at komportable siya, let’s do it,” kuwento ng TV host/actress.

Kaya sinundan ng tanong kung nag-renew na ng kontrata si Kris sa Kapamilya Network?

“Ayokong pag-usapan, bawal pa gusto ko munang i-promote muna nila ang ‘My Little Bossings’, ha, ha, ha” tumatawang sabi ng TV host.

“Marami kasing Facets kasi marami rin akong ano, siguro nagbago lang talaga ako as a person. There’s a part of me also na hindi na kasing greedy at kasing hungry, okay na talaga.

“At saka ano, si Boy (Abunda) kasi nagsabi na, ‘make sure you have enough cash that you can walk away from anybody’, so medyo tinown-down ko ang luho sa katawan at tone-down kami, ‘yung bahay na lilipatan namin, (mura) kasi rati ‘yung association dues lang, P60,000 na ngayon, parang buong taon na ‘yun, ganoon kalaki ‘yung difference ng condominium in Makati na dalawa na supposed to be a house in a subdivision.

“Kaya kapag wala na ako sa TV mabubuhay naman sila (mga anak) not lavish as we are now, but they will survive,” pagtatapat ni Kris.

Number 2 ang My Little Bossings

Samantala, aminado ang Queen of All Media na posibleng maging number two lang ang My Little Bossings dahil nga makakalaban nila si Vice Ganda sa pelikulang Boy, Girl, Bakla, Tomboy na sinungkit na raw ng GGV host na siya ang number one sa box-office ng 2013 MMFF.

”Posible, kasi track record niya, eh. Ako lang talaga ang pinagpe-pray ko, na may figure akong sinabi kay God, sabi ko, please give this to us. Whether number one or number two if we hit that figure, okay na, kuma-cartwheel na ako, nag-i-split na ako sa sobrang tuwa,” masayang tinig ni Tetay.

Kung ibabase sa kinita ng Sisterakas noong 2013 sa Metro Manila Film Festival ay nagtala ito ng pinakamataas, kumita ito ng P396-M kaya’t mahirap daw itong talunin, “posibleng malampasan pagdating ng panahon na mahal na ang bayad sa sine,” sabi naman ng TV host.

Target na kita, P300-M

At ang target daw sana ni Vic para sa My Little Bossings ay P300-M dahil ang kinita raw ng Enteng ng Ina Mo nila ni Ai Ai de las Alas ay umabot sa P289-M.

Inamin naman ni Kris na napanood na niya ang 2/3 ng pelikulang My Little Bossings bago siya dumiretso sa grand presscon noog Miyerkoles ng gabi sa 55 Events Place.

Bilib sa galing ni RyZza

Ang galing daw umarte ni Ryzza Mae.

“I kept telling her (Ryzza Mae) na, Ryzza ba’t ang galing-galing mo? Kasi a true star is lalong lumalaki on screen kapag pinapanood mong nagpe-perform, pero ‘yung talagang larger than life ang dating, ganoon siya (Ryza) at tuwang-tuwa ako kasi ganoon siya ka-humble.

“So talagang I was so captivated by the two (Ryza at Bimby), siyempre proud na proud ang nanay so ang feeling ko, they have magic, may screen magic ‘yung dalawa kaya kilig na kilig ako na sabi ko nga, ang cute,” kuwento pa.

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top