Friday , November 14 2025

Hindi lang pang-depensa si Wilson

PUWEDE naman palang manalo ang Meralco Bolts kahit na malasin ang kanilang main  scorer na si Gary David.

Ito ang kanilang pinatunayan noong Miyerkoles nang tambakan nila ang Air 21 Express, 112-79 para sa unang panalo nila sa tatlong laro sa PLDT myDSL Philippine Cup.

Buhat sa 16-15 na abante sa pagtatapos ng first quarter ay lumayo ang Meralco Bolts sa second period at nagposte ng 54-36 bentahe sa halftime.  Hindi na lumingon pa mula roon ang tropa ni coach Paul Ryan Gregorio.

Nagbida para sa Bolts si John Wilson na dating manlalaro ng Air 21. Si Wilson ay kumamada ng game-high 26 puntos kabilang na ang anim na three-point shots.

Actually, hindi siya nagmintis ni minsan buhat sa three-point region.

Matindi, hindi ba?

Hindi naman unexpected ang ganitong performance buhat kay  Wilson dahil dati siyang scoring champion ng national Collegiate Athletic Association (NCAA) kung saan naglaro siya sa Jose Rizal Heavy Bombers.

Katunayan, bago umakyat sa PBA, si Wilson ay nagwagi bilang Most Valuable Player ng NCAA noong 2009.

Una siyang naglaro sa Barangay Ginebra San Miguel bago nalipat sa Air 21.

Sa kanyang unang season, napasama kaagad si Wilson sa all-defensive Team ng PBA dahil ipinakita niyang kaya niyang dumepensa kahit na kontra sa mga import.

Tuloy, nalimutan ng mga fans na matindi rin ang opensa niya. Para bang natuon sa kanilang isipan na pang-depensa lang si Wilson.

E, hindi naman ganun. Two-way player si Wilson.

At ngayon nga ay nailabas ni Gregorio ang katangiang ito ni Wilson.

Baka sakaling dumating na rin ang superstardom kay Wilson!

Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …

Alas Pilipinas FIVB Volleyball Girls U17

Alas Pilipinas girls team pasok sa 2026 FIVB Volleyball Girls’ U17 World Championship

AMMAN, Jordan — Nakapagtala ng makasaysayang tagumpay ang Alas Pilipinas girls team matapos masungkit ang …