Wednesday , September 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Batchmates, itatapat sa Mocha Girls

Batchmates, itatapat sa Mocha Girls

NAGBABALIK sa sirkulasyon ang controversial talent manager na si Lito De Guzman. Binuo niya ang class na all female group na Batchmates na pantapat sa Mocha Girls.

Pagdating  sa  pagbibigay ng kasiyahan lalo na sa mga kalalakihan, bentang-benta rin dyan ang Batchmates na maka-ilang beses na ring kinilala sa ibang bansa particularly sa Singapore na nagpabalik-balik na ang grupo dahil madalas silang inire-request. Kasalukuyang nasa ‘Pinas ang Batchmates at sa  November 29 ay kekendeng at magpapasabog sila ng kanilang alindog at kaseksihan sa Comikera Comedy Bar, 8440 National Hi-way, Lecheria, Calamba, Laguna na pinamagatang Sexy and Naughty na pag-aari ni Ma’am Nancy.

Bukod sa Batchmates ay makakasama rin ang sexy comedienne na si Ethel Booba at ang kuwelang grupong Wonder Gays.

Sina Aura, Cath, Jonah, Sophia, Marie, Maye at Vassy ang bumubuo ng Batchmates na wala kang itatapon pagdating sa ganda, kaseksihan, at kapilyuhan.

Ang Wonder Gays naman ay kinabibilangan naman nina Gray, White, Green, Blue, at Pink.

Ang Batchmates at Wonder Gays ay mina-manage ng talent manager na si Lito de Guzman na ratsada sa pag-produce ng mga show locally and abroad.

Roldan Castro

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top