Tuesday , September 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Ex-girlfriend hina-harass ng pulis (PO-2 Azurin) ng Lubao, Pampanga (Attn: SILG Mar Roxas)

Ex-girlfriend hina-harass ng pulis (PO-2 Azurin) ng Lubao, Pampanga (Attn: SILG Mar Roxas)

00 Bulabugin JSY

IBANG klase rin ang PO2 AZURIN ng Lubao Police Station sa Pampanga, halos bagito pa lang ‘yata sa serbisyo pero kung umasta halos walang panama ang mga bossing niya sa Philippine National Police (PNP).

‘E bakit kamo, nakarating sa ating kaalaman na may naging nobya siya pero nagdesisyong makipaghiwalay na ng babae sa kanya nang kanyang madiskubre na may pamilya na pala ang mokong na lespu.

Eto ang siste, nagpupumilit ang damuhong pulis na balikan siya ng kaawa-awang babae.

At nitong huli, kamakailan lang, ay nagpakita ng kayabangan, pananakot at pwersa nang magtungo sa bahay ng babae. Naka-complete uniform pa kasama ang ilang mga kasamahan na pawang mga naka-uniporme at mismo sa harap ng tahanan ng babae sila nag-inuman ng alak.

Papayagan ba ni PNP Region 3 Regional Director na si Gen. Raul Petrasanta at provincial director na si Col. Oscar Agbayalde ang ganitong asta ng pulis nila?

Ang alam natin, ayaw ng dalawang opisyal ng isang IMORAL at ABUSADONG pulis tulad ng iginagawi ni PO2 Azurin.

Gen. Petrasanta at Col. Agbayalde, pwede bang bigyan pansin ninyo ito at paimbestigahan ang pinaggagagawa nitong si Azurin.

‘E talagang kawawa naman po ‘yung babae sa ginagawa niyang pananakot.

Hindi ba’t may pananagutan sa batas ang isang imoral, mayabang at abusadong pulis, ‘di ba mga Ser?

PAKIBUSISI lang po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top