Saturday , April 20 2024

Hagdang Bato tangkang durugin sa PCSO-Presidential Gold Cup

Apat na araw na lamang ang nalalabi at magaganap na ang pinakahihintay na malaking pakarera ng taon—  ang multi milyong pakarera ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang 41th Presidential Gold Cup sa bakuran nng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite  sa darating na Linggo.

Walong mananakbong local ang magtatangka para durugin ang super horse na si Hagdang Bato na magdedepensa ng kanyang titulo na una niyang pinagwagian noong 2012.

Sa distansiyang 2,000 meters tatangkain nina  Arriba Amor, Basic Instinct, Pugad Lawin, Sulong Pinoy, My Champ, Spring Collection, at Royal Jewel na agawin ang titulo.

Marami ang naniniwala sa mga tagahanga ni Hagdang Bato ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, na mananalo pa rin ang super horse.

Ganito rin ang pananaw ng ilang eksperto na hindi magiging problema para kay Hagdang Bato ang 58 kg. sa naturang laban.

Gayunman, hindi dapat maging kampante ang Abalos stable dahil may angking bilis din naman ang mga kalaban.

Ilan ditto na ikinukunsederang mahigpit na kalaban ang de remating si My Champs at ibang pang kalahok na tago ang pruweba.

Hindi maitatanggi ng marami na ang 58 kilos ay isa nang malaking partida sa mga kalaban ni Hagdang Bato na tatawid sa mahabang karera para sungkitin ang P3-milyon papremyo ng PCSO.

Ni andy yabot

About hataw tabloid

Check Also

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

MILO 60th Anniversary

 MILO Philippines kicks off 60TH year celebration;  underpins commitment to grassroots sports development

15 April 2024 | Manila, Philippines – In a celebration event to mark its 60th …

Sambo PH team TOPS Paolo Tancontian Ace Larida

Sambo PH team potensiyal sa int’l arena

KUNG medalyang ginto ang nais ng sambayanan mula sa contact sports, ibilang ang Sambo sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *