Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Fairy Touch Club may pokpokan na may poker-an pa bukas na naman?!

Fairy Touch Club may pokpokan na may poker-an pa bukas na naman?!

00 Bulabugin JSY

NAGULAT tayo nang mapadaan tayo sa Roxas Boulevard at namataan natin na muli na naman nakapagbukas ang FAIRY TOUCH CLUB (dating Infiniti 8 Club).

Kung hindi ako nagkakamali, sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Fairy Touch Club dahil sa paglabag sa PD 1602.

Bukod kasi sa ‘pokpokan’ ay mayroon din illegal POKER room sa Fairy Touch Club.

Ano kayang POWERS mayroon ang isang nagpapakilalang kaanak daw ng mga Marcos na isang alyas Frankenstein.

Minsan umaalyas pa na Francis Leo Marcos para pangatawanan na anak daw siya ni Pacifico Marcos (eldest brother ni fomer President Marcos).

Ayon sa ating impormante, ginagamit rin ng kumakaladkad sa pangalan ng mga Marcoses ang pangalan na Norman Mangubin.

Dugtong pa ng very reliable source natin ‘e sandamakmak ang kasong estafa ng tirador na ‘yan!?

May kinalaman kaya sa namamayagpag na powers ni Norman Mangubin alyas Francis Leo Marcos ang Kamaganak Inc.?

Paging NCRPO chief, C/Supt. Marcelo Garbo!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top