Thursday , September 24 2020
Breaking News
You are here: Home / News / 71-anyos biyudo ninakawan ng manok, tanim, nagbigti

71-anyos biyudo ninakawan ng manok, tanim, nagbigti

LAOAG CITY – Nagbigti ang isang 71-anyos biyudo bunsod nang labis na sama ng loob matapos nakawan ng mga alagang manok at pananim sa Brgy. Columbia, Vintar, Ilocos Norte.

Kinilala ni PO1 Jonathan Agcaoili ng Vintar-Philippine National Police, ang biktimang si Isabelo Aceret Jr., residente sa naturang barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-alala ang kapatid ng biktima na si Delia Aceret dahil hindi pa lumalabas mula sa kanyang bahay ang matanda.

Nang tingnan ay nagulantang nang tumambad ang nakabigting biktima sa kanyang bahay.

Narekober ng mga awtoridad ang suicide note ng biktima na nakasaad ang pagdaramdam sa kanyang mga kamag-anak kaugnay sa ninakaw na mga alagang manok at bunga ng mga tanim niyang saging.

Nabatid na mag-isa lamang namumuhay ang biktima mula nang mabiyudo at wala silang anak ng kanyang naging misis.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top